Kumalat sa social media ang video na umiiyak backstage si Miss Universe 2018 Catriona Gray, 29.
Si Catriona ay isa sa backstage commentators sa Miss Universe 2022 coronation night na ginanap sa New Orleans noong January 14, 2023.
Sa video ay napahikbi pa si Catriona na halatang apektado sa isang tear-jerking moment sa pageant.
Base sa palitan ng mensahe ng netizens, napaiyak si Catriona sa madamdaming tribute segment para sa namayapang Miss USA 2019 candidate na si Cheslie Kryst.
Si Cheslie ay naging housemate ni Catriona nang siya ay nanirahan sa New York apartment ng Miss Universe Organization noong si Catriona ang reigning Miss Universe titleholder.

Winakasan ni Cheslie ang sariling buhay noong January 31, 2022. Siya ay 30 years old.
Sa Miss Universe 2022 coronation night, ang ina ni Cheslie na si April Simpkins ay binigyan ng pagkakataong magbigay ng mensahe tungkol sa pagpanaw ng anak na nagdusa sa "high-functioning depression."
Nanawagan siyang maging sensitibo sa mga kakilalang maaaring dumaranas ng depression.
“As many of you know, because we’ve dealt with high-functioning depression, the Cheslie you saw didn't always match the way she felt inside.
"Just because someone tells you they're fine, doesn't mean they are," paalala ni April.
Patuloy niya: "We all need to listen when we check in on our strong friends. Create a safe space, so they have room to share if they are challenged.
"Most importantly, we need to really listen to them and support them.”
Note: May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng depression. Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).
CATRIONA GRAY'S SUPPORT FOR CELESTE CORTESI
May mga nag-akalang umiyak si Catriona nang maligwak si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa Top 16 candidates.
Ito ay sa gitna ng mixed reactions ng Pinoy pageant fans sa kawalan ng placement ni Celeste sa prestihiyosong beauty pageant.
Bilang commentator, naging maagap naman si Catriona sa pagsalo kay Celeste at ilan pang kandidata ng Miss Universe na hindi pinalad makapasok sa Top 16.
Pagkatapos ianunsiyo ang Top 16 finalists ay may special mention si Catriona kina Miss Philippines, Miss Indonesia, Miss Mexico, at Miss Thailand.
Sabi niya, "Guys, you are not alone, Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia, I know you might be feeling a little bit of disappointment right now, but we always have next year."
Bukod dito ay nag-post din si Catriona sa Instagram ng maiksing mensahe para kay Celeste.
MORE HOT STORIES ON PEP.PH:
