Ayaw palampasin ni Rabiya Mateo ang basher na sinisisi siya dahil dinamay raw niya sa kanyang “kamalasan” si Celeste Cortesi sa katatapos na Miss Universe 2022.
Read: Rabiya Mateo says Celeste Cortesi will win fifth Miss Universe crown for the Philippines
Hindi pinalad si Celeste na makapasok sa Top 16 sa international pageant na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA, Sabado ng gabi, January 14, 2023 (Linggo ng umaga, January 15, sa Pilipinas).
Si Rabiya ay kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 at nakaabot sa Top 16.
Nitong Linggo, January 15, nag-post ng message of support si Rabiya para sa malapit na kaibigang si Celeste bago magsimula ang pageant.
Mensahe niya: “Victory is ours! 5th crown for the country Since Day 1, I saw how determined you are Babe.
“Thank you for making the country proud @celeste_cortesi!"
Kalakip ng post ang short video clip nina Rabiya at Celeste na nagkakasiyahan.
Pero hindi natawag ang Pilipinas sa Top 16 sa Miss Universe 2022.
Ito ang unang beses na hindi nakaabot sa finals ang Pilipinas matapos ang “winning streak” ng bansa sa loob ng 12 consecutive years.
BASHER BLAMES RABIYA
Kaugnay ng post ni Rabiya, sinisi siya ng isang basher sa sinapit ni Celeste.
Banat ng basher, na-jinx si Celeste dahil sa post ni Rabiya.
Komento ng kritiko kay Rabiya (published as is): “Gaga ka kc lakas mo mka jinxed ! ! ! ! wla tuloy tayong placement for the first time since 2010.
“Dinamay mo pa sa kamalasan mo si Celeste. Kaloka.”
Ang reply ni Rabiya ay hindi pagsagot sa basher kundi paghingi ng tulong sa ibang netizens na matunton ang basher.
Nais niyang alamin ang identity ng basher at isumbong ito sa pinagtatrabahuhan nito.
Comment ni Rabiya: “Can someone help me locate this person so I can message the company she/he is working from and tell them how their employee react on social media? Name, address and full details.”

Lumalabas na burado na ang komentong ito sa post ni Rabiya.
Kahapon din ay ipinost ni Rabiya ang screenshot ng Instagram account ng kanyang basher.
Caption ni Rabiya sa IG Story niya tungkol sa female netizen: “Since she went on private, let me teach this one a lesson.
“Can someone send me her name, address and where she/he works from?
"Our actions have legalities. Let me teach you a serious lesson Madame.”

RABIYA’S POST GETS MIXED REACTIONS
Pero lumalabas na hindi nag-iisa ang basher sa pagsisi kay Rabiya.
May iba ring netizens na binalikan si Rabiya sa kanyang post na mananalo raw si Celeste.
“Hindi effective ang basbas mo,” komento ng isa.
“Naku kaya pala naligwak agad hinawahan mo,” sabi naman isa pa kay Rabiya.
Hirit ng isa pa: "di tuloy nakapasok”
Pero ipinagtanggol si Rabiya ng kanyang fans. Depensa nila, hindi dapat sisihin si Rabiya na nais lamang maging positibo para sa kaibigang si Celeste.
Hindi na sinagot pa ni Rabiya ang iba pang kritiko.
