PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lexi Gonzales' GMA-7 Break with Boyfriend

Lexi Gonzales avoids airing family issues on social media.
by Rose Garcia
Published Jan 17, 2023
Lexi Gonzales on Underage
Lexi Gonzales on GMA-7's adaptation of the 1980 film Underage: "Lahat po kami really worked hard for the show. And with that, yun na lang po ang pinanghahawakan ko na it’s going to be a good show." Seen on the right photo are Underage stars Elijah Alejo, Lexi, and Hailey Mendez.
PHOTO/S: Underage

Sumabak na si Lexi Gonzales, 22, sa first lead role niya mula nang madiskubre siya sa StarStruck Season 7, ang reality-based artista search ng Kapuso Network na umere noong 2019.

Isa si Lexi sa tatlong Serrano sisters na ipinakilala sa Underage, ang GMA Afternoon Prime series na nagsimula kahapon, January 16, 2023.

Kasama rito ni Lexi sina Hailey Mendes at Elijah Alejo, na pare-parehong artists ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Ang Underage ay hango sa 1980 Regal Films movie na idinirek ni Joey Gosiengfiao, at pinagbidahan ng Regal Babies noon na sina Snooky Serna, Maricel Soriano, at Dina Bonnevie.

Para kay Lexi, ito ang unang big break na ibinigay sa kanya ng GMA Network.

"Aminado po ako na kinakabahan po talaga ako sa magiging outcome ng buong show," sabi niya sa online mediacon ng Underage.

"Pero nandun naman po ang tiwala. Lahat po kami really worked hard for the show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And with that, yun na lang po ang pinanghahawakan ko na it’s going to be a good show.

"Even though nandun ang kaba, pinanghahawakan ko na lang po na we did a great show and I’m excited for everyone to see it.”

Sa kuwento ng Underage, iisa ang ina ng Serrano sisters pero magkakaiba ang kanilang ama. Si Lexi ay gaganap bilang Celine Serrano.

"It’s a really good experience and I’m really thankful. Ako si Celine at na-experience ko ang lahat ng hirap, saya, struggle ng character.

"And with that, aminado po ako na mahirap talaga, but I’m very thankful that everyone here, lahat sila sa Underage, tumulong sa akin.

"Ginabayan nila ako at hindi nila ako pinabayaan sa shoot kaya nagpapasalamat lang po talaga ko ng buong puso," saad ni Lexi.

ON WORKING WITH GIL CUERVa

Kasama ni Lexi sa Underage ang real-life boyfriend na si Gil Cuerva, at malaking bagay raw na magkatrabaho sila rito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nandun naman ang tiwala ko sa kanya kaya happy ako na nakasama ko siya rito sa show. Kasi, ang laking tulong na nandiyan siya for me.

"With everyone that is new in my life, at least, there’s one person who’s already a constant."

Nagkasama na sila ni Gil sa Love You Stranger, ang primetime series na pinagbidahan nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

"I’m happy kasi magka-partner naman kami with this project. We first did Love You Stranger together, pero dun, medyo magkaaway kami. This time, magkakampi naman kami."

Noong June 2022 umamin sina Gil at Lexi tungkol sa kanilang pagsinta sa isa't isa.

Read: Gil Cuerva at Lexi Gonzales, umaming "dating" ang relationship status

ON KEEPING FAMILY MATTERS PRIVATE

Sa TV version ng Underage, isa sa mga idinagdag na isyu na haharapin ng mga bida ay ang toxicity na dala ng social media.

Sa tunay na buhay, aminado si Lexi na kung meron siyang kinatatakutang ma-expose sa social media, ito ay ang mga isyu ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang family ko, kasi alam naman ng lahat—at nabanggit ko sa StarStruck before—na hindi talaga maayos ang pamilya ko. Magulo, ang daming nangyayari," paliwanag ni Lexi.

"Siguro yun lang naman ang ayaw kong lumabas. Parang masyado nang personal, hindi po ba?

"Kung ano ang nangyayari sa pamilya, problema at struggles na pinagdadaanan, sa family na lang sana."

Hindi na raw para ipangalandakan pa sa publiko ang problema ng pamilya.

"Wala namang ganun sa pamilya ko ngayon. Lahat kami ay may respeto sa isa’t isa," paglilinaw ni Lexi.

"But just relating it sa nangyayari sa social media ngayon. Kahit magkakamag-anak, e, nagsisiraan, naglalabasan ng mga sikreto.

"Yun lang naman ang ayaw ko na mangyari. Kahit na ba magulo ang pamilya ko, e, kami ay may respeto pa rin sa isa’t isa.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lexi Gonzales on GMA-7's adaptation of the 1980 film Underage: "Lahat po kami really worked hard for the show. And with that, yun na lang po ang pinanghahawakan ko na it’s going to be a good show." Seen on the right photo are Underage stars Elijah Alejo, Lexi, and Hailey Mendez.
PHOTO/S: Underage
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results