PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga's Camp on Viral Video Response

"Itong si Allan ay laging kabiruan ni Mommy Pinty and Alex..."
by Jojo Gabinete
Published Jan 17, 2023
alex gonzaga birthday
Alex Gonzaga camp on viral video: "Itong si Allan ay laging kabiruan ni Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila. Hindi naman magagawa ni Alex ang magbiro at magpunas ng cake, kung hindi sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex."
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

May paglilinaw ang kampo ng Gonzaga family tungkol sa pinag-uusapang pagpapahid ni Alex Gonzaga ng cake icing sa mukha ng waiter na naganap sa 35th birthday salubong para sa actress-television host sa isang events place sa Makati City noong January 15, 2023.

Read: Alex Gonzaga, binabatikos dahil sa pagpahid ng cake sa noo ng waiter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng entertainment reporter na si Peter Ledesma, na kaibigan at publicist ng pamilya Gonzaga, inihayag nila ang panig ni Alex na nakatatanggap ngayon ng mga matinding batikos at panghuhusga dahil sa insidente.

Ayon kay Ledesma, matagal nang kilala ni Alex at ng nanay nitong si Pinty Gonzaga ang waiter na pinahiran sa mukha ng cake icing.

Si Allan ay kaibigan umano ng pamilya Gonzaga pati na ng pamilya ng mister ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano.

Sinabi rin ni Ledesma na "laging kabiruan" nina Mommy Pinty at Alex tuwing nagkikita sila.

Sanay na raw ang waiter sa "pagiging mapagbiro at kikay" ni Alex.

Hindi rin daw totoong lasing si Alex sa kanyang birthday salubong.

Ipinadala ni Ledesma ang kanyang pahayag kay TV5 entertainment news reporter MJ Marfori. Hiningi namin ang permiso ni MJ para mailathala ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang panig ng mga Gonzaga na ipinadala sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabuuan ng mensahe ni Ledesma: “Favor, may I clear MJ, the issue regarding Alex Gonzaga viral birthday bash video and the waiter Allan.

“This Allan, one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano Family. Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano Family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverages.

“At itong si Allan ay laging kabiruan ni Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila.

“Hindi naman magagawa ni Alex ang magbiro at magpunas ng cake kung hindi sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex.

“This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak. And one more thing ay hindi totoong lasing si Alex na tulad ng pinalalabas ng kanyang detractors and bashers.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga camp on viral video: "Itong si Allan ay laging kabiruan ni Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila. Hindi naman magagawa ni Alex ang magbiro at magpunas ng cake, kung hindi sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex."
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results