PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Fowler hurt that no vloggers came to Alex Gonzaga's defense

"Nasaktan ako sa rami kasi ng gumamit sa kanya, sa fame niya, walang lumantad."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 18, 2023
Toni Fowler reacts to Alex Gonzaga's viral icing-smearing issue
Toni Fowler (left) to netizens who want to cancel Alex Gonzaga (right): "Hindi ko sinasabi na tama yung ginawa niya, mali pa rin. Pero siyempre huwag naman nating kalimutan na tao lang din siya at once ay magpatawad din naman tayo."
PHOTO/S: Toni Fowler/Alex Gonzaga Facebook

Nagbigay ng reaksiyon si Toni Fowler tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng TV host-actress at kapwa niya vlogger na si Alex Gonzaga.

Ito’y matapos makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos si Alex dahil sa insidenteng pamamahid ng icing sa noo ng isang waiter sa birthday salubong niya noong gabi ng January 15, 2023.

Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter

Sa programang Wag Po! ng One PH ngayong Miyerkules, January 18, 2023, ibinahagi ni Toni ang kanyang saloobin sa mga bumabatikos at nagka-cancel kay Alex.

Paglilinaw ni Toni, hindi niya ipinagtatanggol si Alex sa ginawa nito.

Sobra na raw kasi ang natatanggap na pamba-bash ni Alex kaya naman pakiramdam niya ay kailangan na niyang dumepensa at magsalita.

Saad niya, “May mga taong minsan hinihintay ka lang na magkamali. Pag hinintay kang magkamali, doon maglalabasan yung mga artista na [magsasabing] ‘nakatrabaho ko yan, ang pangit ng ugali, kesyo ganito.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban kasi sa netizens ay ilang celebrities na rin ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa inasal ng vlogger-actress.

Read: Mo Twister lambasts former Juicy! co-host Alex Gonzaga over her viral video; Mikee Morada posts message of support for Alex

Sa dami raw ng kaibigan ni Alex sa industriya ay wala raw nakita si Toni ni isang nagtanggol at pumanig sa kanya.

Sabi niya, “Ang nakakalungkot, naghintay ako, kagabi hanggang mag-umaga, naghapon na.

“Nag-post ako noong tanghali, hanggang sa maggabi wala pa ring nagsasalita para kay Alex.

“So ako, gusto ko rin i-share yung experience ko kay Alex, na napakabait ni Alex.

“I think puwede kong i-share yon kasi nakasama ko siya ng ilang beses na.”

Read: Arnold Clavio, nasaktan sa ginawa ni Alex Gonzaga sa waiter; Rhap Salazar, tinawag na "bastos" si Alex

Dismayado rin si Toni sa mga taong malapit kay Alex, partikular na ang mga vlogger na naka-collab niya, na piniling manahimik at walang gawin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, “Itong mga taong to, ang daming naghihintay sa mundo na magkamali ka at talagang dudurugin ka.

“Meron din namang mga tao na nagawan mo ng mabuti, and I think ayun yung tamang gawin na magsalita ka rin naman, na hindi naman masama yung tao, nagkamali lang. Meron din namang nagaspangan.

"Pero ang sa akin lang, nasaktan ako sa rami kasi ng gumamit sa kanya, sa fame niya, walang lumantad.”

Read: Kris Lawrence defends Alex Gonzaga in icing-smearing issue; says waiter "will be grateful that this happened"

Bilang malapit kay Alex, isa raw si Toni sa magpapatunay kung gaano katotoong tao at kabait ang Tropang LOL host.

Sabi niya, “Okay naman siya [Alex]. Wala akong masabi.

“Ang sa akin lang, ang hirap kasing magkamali sa Pinas.

“Alam mo, lahat ng magandang ginawa niya, lahat ng ginawa niya sa vlog niya mapatawa lang yung mga nagtatrabaho na napagod sa pagtatrabaho nila, parang nabura sa isa lang na pagkakamaling ginawa niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alex Gonzaga camp breaks silence on viral video; says waiter is close to Gonzaga family

Nanawagan din si Toni na maghinay-hinay sa pambabatikos at isipin na tao rin si Alex na maaaring magkamali.

Ang mahalaga raw ay itama niya ito at humingi siya ng tawad.

Sabi ni Toni, “Hindi ko sinasabi na tama yung ginawa niya, mali pa rin.

“Pero siyempre, huwag naman nating kalimutan na tao lang din siya at once ay magpatawad din naman tayo.”

Samantala, sa pinakahuling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay personal nang humingi ng paumanhin si Alex sa waiter na si Allan Crisostomo, kahapon, January 17, 2023.

Read: Alex Gonzaga personally apologizes to waiter after severe bashing online

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Fowler (left) to netizens who want to cancel Alex Gonzaga (right): "Hindi ko sinasabi na tama yung ginawa niya, mali pa rin. Pero siyempre huwag naman nating kalimutan na tao lang din siya at once ay magpatawad din naman tayo."
PHOTO/S: Toni Fowler/Alex Gonzaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results