Naaksidente ang TikTok content creator na si Dr. Krizzle Luna, na mas kilala bilang Doc Luna.
Sa kanyang Facebook account, kahit nasa hospital bed at may mga nakakabit sa katawan, ibinahagi niya sa isang two-minute video ang mga detalye ng kanyang sinapit.
Umpisa niya, “Hala, naaksidente si Doc Luna!
“Hindi yun joke.
“Maraming salamat po sa walang sawang suporta at sa mga prayers. Naaksidente po tayo.”

Nawalan umano ng preno ang kasalubong nilang sasakyan.
“Nagkaroon po ng vehicular accident, na nawalan po ng preno yung nakasalubong naming sasakyan.
“Pero grabe si Lord. Kahit na naapektuhan yung C6 ko, ayan coherent pa rin tayo.”
Ang C6 vertebra ay matatagpuan sa inferior end ng leeg, at nasa itaas lang ng thorax.
Ang bony arch na ito, na tinatawag ding vertebral arch, ang bumabalot sa vertebra para maghugpong ang mga masel.
Kumusta ang kalagayan ni Doc Luna ngayon?
Aniya, “So far, naka-tracksuit tayo ngayon para sa alignment ng spine ko.
“Nagagalaw ko na kahit papaano ang mga kamay ko.
“Yung paa ko, mataas yung sensory, although hindi ko pa siya fully nagagalaw.
“Pero sabi naman kung mag-i-improve yung pamamaga, posible nang magalaw ni Doc Luna yun.”
Muli naman siyang nanawagan ng dasal para sa mga mahal niya sa buhay.
“Ulitin ko lang po, please pray for my loved ones. And siyempre, gusto ko pa ring mag-thank you kay Lord for the second chance.
“Kaya natin ito, lalaban tayo. Lalaban si Doc Luna. Maraming-maraming salamat sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko.”

Matatandaang sumikat si Doc Luna noong pandemya sa TikTok sa pamamagitan ng pagbibigay ng health tips.
Sa nasabing social media platform ay halos seven million ang kanyang followers.
