Gab Valenciano on Angeli Pangilinan: his mother, manager and spiritual mentor

by Rommel R. Llanes
Apr 15, 2008
"In everything I do, either work or pleasure, kasama mommy ko," says Gab Valenciano about his mother Angeli Pangilinan-Valenciano.
Kung para sa iba ay suplada at mataray ang dating member ng Music and Magic na si Angeli Pangilinan, at mahirap itong kausap bilang business manager ng asawa niyang singer-TV host na si Gary Valenciano—para sa kanyang anak na dancer na si Gab, proud ito sa pagkakaroon ng isang inang tulad ni Angeli.

"For me, she's the best mom," sabi ni Gab sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, March 13, after ng live presentation ng ASAP ‘08 kung saan ay mainstay siya.

Kamusta nga ba si Angeli bilang isang ina?

"Naku, ang mommy ko, she's very straightforward! Very honest and at the same time, very malambing. She has her side na, siyempre manager 'yan, there's that side na parang istrikto. Pero she also has a side na talagang super-loveable," deskripsyon ni Gab tungkol kay Angeli.

Kamusta ang bonding moments nila ng kanyang ina?

"Of course, it's very strong. Kasi my mom is not just a mom, she's my manager. You know, she's my spiritual mentor. So, talagang in everything I do, either work or pleasure, kasama mommy ko.

Continue reading below ↓

"Of course, she always gives me advice. 'Pag nagkakamali ako, nati-turn-off siya sa akin. Pero ipinapakita pa rin niya na talagang mahal niya ako."

Paano naman niya ipinapakita ang pagmamahal niya sa kanyang ina?

"Well, we don't see each other kasi that much every day. Kasi my mom works in an office. Ako naman, I have bookings and guestings. Then I have ASAP pa every Sunday.

"But whenever I get to see her, I give her a hug, I give her a kiss. Or sometimes I text her na, 'I miss you mom, I love you.' So, it's actually the small things...

"Yung mga big things naman, yung mga bouquet of flowers, or a card 'pag birthday niya."

Ang mensahe niya para sa kanyang ina?

"Mom, I want you to know that even though we don't see eye to eye in a lot of things, I want you to know that I love you. I listen to you all the time. And that I look at you, as one of the most, actually the most beautiful—inside and outside—mom."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Angeli Pangilinan
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"In everything I do, either work or pleasure, kasama mommy ko," says Gab Valenciano about his mother Angeli Pangilinan-Valenciano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results