PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Doc Luna's Surgery Success Post-Accident

Successful ang operasyon ni Doc Luna, hindi joke yun!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 26, 2023
Doc Luna accident
Doc Luna warns followers against scammers: "Kung may manghihingi man po ng pinansiyal na tulong sa inyo, hindi po ako yon. Ang hinihiling lang po ni Doc Luna ay ang inyong mga dasal..."
PHOTO/S: Krizzle Luna Facebok

Nagbunga ang panawagang dasal ng mga tagahanga ng TikTok content creator na si Dr. Krizzle Luna, o mas kilala bilang Doc Luna, dahil umaayos na ang kanyang lagay matapos maaksidente.

Sumikat si Doc Luna noong pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng health tips sa TikTok. Sa ngayon ay mayroon na siyang 7.2 million followers.

Noong January 21, 2023, ibinahagi niya sa kanyang social media pages ang malungkot na sinapit nang masangkot siya sa isang vehicular accident.

Kuwento ni Doc Luna, nawalan ng preno ang kasalubong na sasakyan sa may bandang Marcos Highway sa Baguio, dahilan para sumalpok ito sa kanilang sasakyan.

Dahil dito, lubhang naapektuhan ang parte ng kanyang leeg na bahagi rin ng spine o kung tawagin ay C6 vertebra.

Read: TikToker Dr. Krizzle Luna, naaksidente: “Hindi yun joke.”

Sa pamamagitan ng isang video sa Facebook at TikTok nitong Martes, January 24, 2023, nagbigay ng update si Doc Luna tungkol sa kanyang kalagayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, wala nang dapat ipangamba ang kanyang fans dahil naging successful ang operasyon.

Saad niya sa video, "Update po kay Doc Luna, una po sa lahat, pasensya na kasi hindi po ako nakapag-update nitong mga nakaraang dalawang araw.

"Magandang balita naman po, naging successful po yung operasyon ni Doc Luna.

"Na-align naman po yung aking spine. Mahaba-habang rehab pa po. Hindi ko pa po masyadong nagi-grip yung kamay ko at wala pa pong motor function, hindi ko pa po nagagalaw yung paa ko.

"Pero so far, malaki naman po yung improvement natin."

Kahit hirap pa sa pagsasalita, ikinuwento ni Doc Luna kung paano siya dinala sa Maynila mula Baguio para sa kanyang operasyon.

Kalakip nito ang kanyang pasasalamat sa mga doktor na sumuri, mga nagdasal at patuloy na nagdarasal sa agaran niyang paggaling.

Aniya, "Mula po Baguio, tinraction po ako para maging stable muna yung spine ko. Pagkatapos... sa buti po ng Panginoon, nakapag-travel naman po tayo nang matiwasay. Nakarating tayo nang maayos sa Manila para naman po sa surgery ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko pong magpasalamat sa mga prayer warriors, sa buong health care team po na tumulong sa akin. Sa lahat ng doctor ko, nurses, at lahat ng bumubuo ng health care team na tumulong sa akin, maraming-maraming salamat po.

"Hindi ko na po kayo maisa-isa pero maraming salamat po sa inyong lahat.

"Isang good news na rin po, nasimulan ko na po yung first day of rehab ko. The earlier kasi the better para mapaaga yung improvement natin.

"Nasimulan na po ni Doc Luna yon. Kasama ko na rin po yung pamilya ko dito sa Manila, para sa patuloy kong paggaling."

Pinaalalahanan din ni Doc Luna ang kanyang mga tagasuporta na mag-ingat sa posibleng mabiktima ng scam na ginagamit umano ang kanyang pangalan para humingi ng tulong at pera.

Paalala niya, "Gusto ko lang po ipaalala sa lahat po ng nanonood ng video na ito na kung may manghihingi man po ng pinansiyal na tulong sa inyo, hindi po ako yon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang hinihiling lang po ni Doc Luna ay ang inyong mga dasal kaya kung may manghihingi man ng pinansiyal hindi po ako yon, hindi po si Doc Luna yon.

"Prayers lang po sapat na po sa akin yon at nagpapasalamat na po ako doon."

Sa huli, mensahe ni Doc Luna na palaging magdasal at mag-ingat.

Saad niya, "Sa panahon na pong ito huwag po sana nating kalimutan magdasal parati at mag-ingat.

"Huwag din po nating kalimutan na sabihin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano po natin sila kamahal. Kasi hindi po natin alam kung hanggang kailan ang buhay.

"Muli, marami salamat po. Mag-uupdate pa rin po ako sa progress ko. Sana pagbalik ni Doc Luna ay nandiyan pa rin po kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Doc Luna warns followers against scammers: "Kung may manghihingi man po ng pinansiyal na tulong sa inyo, hindi po ako yon. Ang hinihiling lang po ni Doc Luna ay ang inyong mga dasal..."
PHOTO/S: Krizzle Luna Facebok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results