PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista sang ""Maynila"" theme song.

Si Kakai pala yun!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 26, 2023
Kakai Bautista sings Mahal kong Maynila
Kakai Bautista sings the theme song of the GMA 's drama anthology "Maynila" after 20 years. She is the original voice behind the iconic song.
PHOTO/S: Screengrab @Kakai Bautista TikTok

Umani ng iba't ibang reaksiyon sa social media ang video na in-upload sa TikTok ng singer-comedienne na si Kakai Bautista habang kinakanta ang "Mahal Kong Maynila."

Marami ang nagulantang nang malamang siya ang female singer ng official theme song ng long-running drama anthology na Maynila, na unang umere sa GMA-7 noong 1999.

Ang "Mahal Kong Maynila" ay isinulat ni Vince de Jesus.

Sa video, sinabi ni Kakai na "most requested" ito ng kanyang followers kaya pinagbigyan niyang muling iparinig at ipakita ang orihinal na bersyon ng kanta makalipas ang higit dalawampung (20) taon.

Sabi ni Kakai sa simula ng kanyang video, "Eto na yung request niyo. Tingnan natin kung virginal pa rin yung boses."

Narito ang linyang kinanta niya:

Mahal kong Maynila
Sayo'y hindi mawawalay
Maynila, Maynila
Pangarap kong mabubuhay
Paglingap na walang kapantay

Sakaling ako'y lumayo
Sayo'y mananabik
Walang iba sa puso ko kundi Maynila

Maynila...Maynila.

NETIZENS REACT

Agad nag-viral at umani ng iba't ibang reaksiyon ang TikTok video ni Kakai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa netizens ang napa-throwback at napa-"memories bring back" sa kantang naririnig ng mga tagapanood ng weekly daytieme drama anthology na hinu-host ni former Manila Mayor Lito Atienza.

Laking gulat din ng karamihan nang malamang si Kakai pala ang isa sa mga nasa likod ng kantang nakapagpa-LSS (last song syndrome) sa kanila sa mahabang panahon.

Hindi makapaniwalang komento ng isang netizen, "OMG! Ikaw pala yun Miss Kakai. After 20 years, ngayon ko lang nalaman. Ang galiiiiing."

Saad ng isa, "32 [years old] na po ako ngayon ko lang nalaman na ikaw pala kumanta niyan."

Sabi pa ng isa, "Ikaw pala yun. Haha dati pa ko nahihiwagahan kung sino yung kumanta niyan."

Komento pa ng isa, "Grabe Ms. @Kakai Bautista, wala pa ring kupas! Naging part ka na halos ng mga childhood days namin. Way to go!"

CELEBRITIES REACT

Maging ang ilang kapwa celebrities ni Kakai ay nagulat.

Sa Instagram nitong Miyerkules, January 25, 2023, in-upload ni Kakai ang dance video kung saan tampok ang kanyang pagkanta ng "Mahal Kong Maynila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "2002, The First and the Only ThemeSong I recorded. Nakakatuwa may sayaw sa TikTok [laugh emoji]."

Gulat na komento ng Hashtags member na si Nikko Natividad, "Ikaw yun!!!!!!??? Hala."

Na agad namang nireplayan ni Kakai, "Oo!!!!!!! Hahahaha pakana mo to e [laugh emoji].

Tanong ng Magandang Buhay co-host na si Melai Cantiveros, "Boses mo yun tekakay? Waaahhhh LsS ako niyan lagi."

Sabi naman ng comedienne na si Cai Cortez, "Sumabog din yung utak ko nung nalaman ko yan beb."

Tanong ng content creator na si Macoy Dubs, "Ikaw pala singer niyan miiiiii!! Haha iconic."

Hirit din ng singer na si Joshua Bulot, "Gagi tagal na kitang kilala ikaw pala yan!?? Hahaha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay mayroon nang 2.7 million views, 343,000 reacts, at 8,278 comments ang TikTok video ni Kakai makalipas lamang ang mahigit isang araw mula nang i-upload niya ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista sings the theme song of the GMA 's drama anthology "Maynila" after 20 years. She is the original voice behind the iconic song.
PHOTO/S: Screengrab @Kakai Bautista TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results