PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo Denies Land-Grabbing Allegations

“Pinagtrabauan ko yon, binigay ko yon sa nanay ko."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 26, 2023
Bea Alonzo reacts on land-grabbing accusation
Bea Alonzo feels really hurt and upset over land-grabbing accusations: "I feel really hurt and upset...Binili namin yung property na yon eleven years ago. Pinagtrabahuan ko yon, binigay ko yon sa nanay ko. Ilang tapings ang iniyakan ko para lang makapagpatayo ako ng ganyan."

“I feel really hurt and upset.”

Ganito ilarawan ni Bea Alonzo ang kanyang nararamdaman matapos siyang akusahang inagaw o kinamkam ang lupang pag-aari ng mga katutubong Aeta.

Nag-ugat ito nang mag-upload ang aktres ng vlog sa YouTube kung saan makikitang inimbitahan niya ang mga Aeta na naninirahan sa tabi ng pag-aari niyang Bea Firma farm para sa isang salu-salo noong January 14, 2023.

Read: Bea Alonzo treats Aeta neighbors to sumptuous dinner at her Zambales farm

Sa kabila ng kanyang magandang hangarin ay nabahiran ito ng kontrobersiya.

Isang netizen ang nagpakawala ng mabigat na paratang na hindi raw talaga pagmamay-ari ni Bea at pamilya nito ang farm nila sa Zambales kung saan idinaos ang kanilang salu-salo.

Komento ng netizen: “That’s nice, now how about giving their land back.”

Agad din itong pinag-usapan sa Twitter na umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, January 26, 2023, isa sa mga natanong ng host na si Boy Abunda ang saloobin ni Bea tungkol sa malisyosong paratang laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na sagot ng Kapuso actress: “I feel really hurt and upset, Tito Boy.

"Because you know me, you’ve known me for years, you can call me a lot of things, but hindi ako magnanakaw unang-una, at hinding-hindi ko gagawin yon sa mga kapitbahay kong Aetas, because I truly care about them.”

Ayon pa kay Bea, malaking akusasyon ang ibinibintang sa kanyang pamilya kung kaya kinailangan niyang magsalita.

Aniya, “Hindi natin maiiwasan na may bashers, but this kind of accusation is different that’s why we need to address it right away.”

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong January 19, naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA law firm upang pabulaanan ang ikinakalat na paninira laban sa aktres.

Nakasaad dito: “It is unfortunate that a certain 'aloveyoutoo' made a very irresponsible & highly outrageous statement on Twitter asserting that Ms. Bea Alonzo should give 'their - (referring to Aetas) land back.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation. She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means.

“Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.

“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”

Read: Bea Alonzo's camp vehemently denies land-grabbing accusation

Masakit daw para kay Bea na pagbintangan siya nang walang katotohanan dahil pinaghirapan daw niyang pagtrabahuan ang ipinambili niya sa kanilang farm.

Saad niya, “Tito Boy, binili namin yung property na yon eleven years ago.

“Pinagtrabahuan ko yon, binigay ko yon sa nanay ko. Ilang tapings ang iniyakan ko para lang makapagpatayo ako ng ganyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It is something really sensitive to me because yun ang binigay ko sa pamilya ko at sa nanay ko, and my mom would always say na ito ang magiging legacy ko one day.”

Read: Bea Alonzo closes doors on being friends with ex-boyfriend Gerald Anderson: “I can never be friends with somebody I cannot trust.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo feels really hurt and upset over land-grabbing accusations: "I feel really hurt and upset...Binili namin yung property na yon eleven years ago. Pinagtrabahuan ko yon, binigay ko yon sa nanay ko. Ilang tapings ang iniyakan ko para lang makapagpatayo ako ng ganyan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results