Nanindigan si Bea Alonzo na hindi na niya kailangan pang hanapin ang kanyang biological father na isang British national.
Si Bea ay isang Filipino-British. Ang Filipino mother niyang si Mary Anne Ranollo ang nagsilbing nanay at tatay niya dahil simula’t sapul ay hindi niya nakita at nakilala ang kanyang totoong ama.
Read: Bea Alonzo shows mom Mary Anne Ranollo her apartment in Madrid
Sumalang si Bea sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 26, 2023, kung saan natanong ng host na si Boy Abunda ang naging pahayag noon ng aktres sa Kapuso Mo Jessica Soho na hindi na raw siya nagtangkang hanapin pa ang kanyang biological father.
Pagbabahagi kasi noon ng aktres kay Jessica Soho, apat na taon pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang ina at totoong ama kaya hindi niya alam ang hitsura at pagkakakilanlan nito.
Tanong ni Boy, “You are quoted yourself that there is no need for you to get to know your biological father. Saan ang pinanggalingan nun?”
Lahad ni Bea, “Back in 2010 noong nakilala ni Angelica [Panganiban] yung tatay niya and parang nainggit ako sa kanya.
“Siyempre Angelica and I are good friends, ako yung isa sa mga una niyang pinagsabihan kasi alam niya na makaka-relate ako doon sa experience niya.
“I tried looking my father, tapos may mga pinaghinalaan pero hindi pala yon yung totoo.”
Read: Angelica Panganiban reunites with her real father; relates how she discovered that she is adopted
Dahil daw sa kanyang curiosity na malaman ang pagkakakilanlan ng kanyang ama, minabuti na raw ni Bea na tanungin ito mismo sa kanyang ina.
“That Christmas, nilasing ko yung nanay ko na hindi umiinom by the way,” natatawang saad ni Bea.
Lahad pa niya, “Nilasing ko siya para mag-extract ako ng information, tapos nagulat ako doon sa naging resulta kasi talagang umiyak [siya].
“Nakita ko yung... I don’t know kung trauma for that relationship or ano, so I felt so guilty.”
Doon daw napagtanto ni Bea na hindi naman niya kailangan pang makilala ang tunay na ama dahil sobra-sobra na ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng sariling ina.
Aniya, “Parang nagkaroon ako ng epiphany na noong nag-reflect ako, sabi ko, ‘Alam mo, hindi ko naman kailangan ng tatay, kasi buo naman ako.
“Kung ano yung ibinibigay sa akin ng nanay ko, sobra-sobra pa sa ibinibigay ng dalawang parents.
“She’s been through enough kaya hindi ko na rin hinanap.”
Read: Bea Alonzo's mom asked about ex-BF of daughter she most disliked
Sa kasalukuyan, labimpitong (17) taon nang kasal ang kanyang ina sa stepfather ni Bea na si Amado Carlos, na itinuturing niyang "biggest blessing" sa kanilang pamilya.
READ MORE:
- Bea Alonzo treats Aeta neighbors to sumptuous dinner at her Zambales farm
- Bea Alonzo closes door on ex-boyfriend Gerald Anderson: “I can never be friends with somebody I cannot trust.”
- Bea Alonzo's camp vehemently denies land-grabbing accusation
- Bea Alonzo speaks up on land-grabbing accusation: “Hindi ako magnanakaw.”
