Nagbabala sa publiko ang singer-actor na si Ronnie Liang laban sa fake accounts at impostors na gumagamit ng kanyang pagkakakilanlan para manghingi ng pera.
Sa kanyang verified Instagram account nitong Sabado, January 28, 2023, ipinost ni Ronnie ang mga screenshots na naglalaman ng mensahe ng mga fans na may gumagamit umano sa kanyang pangalan, mga pictures, at videos para humihingi ng pera kapalit ng kanyang pakikipagkita.
Ayon pa sa singer, hindi lamang mga Pilipino ang biktima dahil may isang taga-Norway na nagreklamo rin sa singer.
Maliban daw sa kanyang pangalan, ginagamit din ng scammer ang kanyang identity sa military para makapang-akit ng mga babae.
Mababasa sa caption ng kanyang post (published as is), “IT IS SO ALARMING! There are many impostors doing romance and catfish scams using my identity.
“It's happening not only in the Philippines but also in Europe.
“One fake account pretended to be a US Army and even created a fake Military I.D. using my photo.
“Another bogus profile friended people on social media and asked for meet-ups, another asked for money, and another flirted shamelessly using my pictures and videos.
“They deceived women who thought we were in a relationship for financial gain.”
Noong una raw ay hindi naniwala si Ronnie na mayroong gumagaya sa kanya, hanggang sa dumami na ang nagme-message sa kanya para ipaalam na nabiktima na rin sila ng fake accounts niya.
Aniya, “I had heard it before but shrugged it off, thinking it wasn't serious. Pero sobrang dami na pala.
“People sent me proof that they gave money to these scammers and asked me if I had received them (Sa mga nag send, paki send po ulit kasi di ko na mahanap sa dami ng messages).”
Sa huli ay nanawagan si Ronnie sa mga awtoridad na bigyang aksiyon ang mga ganitong insidente para hindi na makapangbiktima pa ng iba.
Saad niya, “Haist, Grabe! I hope the PNP Anti-Cybercrime Unit can do something about this.
“Punta po ako dyan one of these days. Hindi ko alam na ang dami ko na palang karelasyon sa iba't-ibang bansa (sanatrue haha).”
Noong January 26, 2023, nauna na ring ipaalam ni Ronnie sa kanyang followers ang insidente ng panggagaya sa kanya.
Ayon sa mga natanggap niyang report, isang “ronnieliang22” sa Instagram ang gumagawa nito na ginagamit pa ang litrato mula sa kanyang lehitimong account bilang profile picture.
Paalala ni Ronnie, "Beware this #ronnieliang22 is not my ig account! This is an IMPOSTOR & Fake account!"
Hinikayat din niya ang mga tagahanga na huwag na lang pansinin kung mag-message man ito sa kanila at mas mainam na agad itong ireport.
Sabi niya, "Please be informed that it is an IMPOSTOR and FAKE account.
"I only have one official Instagram account, so if you ever receive private messages from this ronnieliang22 account, please ignore, block, or report them."
Read: Ronnie Liang recalls early years in showbiz: "Mayroong time na naubusan ako ng pamasahe"
