Nadadawit si Luis Manzano sa masalimuot na money issue sangkot ang nagpakilalang investors na inirereklamo ang Flex Fuel Petroleum Corporation.
Taong 2020 nang umupo si Luis bilang Chairman of the Board sa Flex Fuel, habang ang business partner niyang si Ildefonso “Bong” Medel ang Chief Executive Officer.
Read: Luis Manzano seeks NBI's help to investigate Flex Fuel Corporation
Ayon sa source na malapit kay Luis na nagpaabot ng impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Medel ay "childhood friend" ni Luis. Siya rin ang "best man sa kasal" nina Luis at Jessy Mendiola noong February 21, 2021.
Kasosyo rin ni Luis si Medel sa isang taxi line at convenience stores.
Sa kaso ng Flex Fuel, umpisa pa lang ay napansin na umano ni Luis ang mga problema sa kumpanya.
Lagi raw pinapaalala ni Luis ang necessary legal documents para sa pagpapatakbo ng negosyo. Sinasabi raw ito ni Luis sa mga ehekutibo ng kumpanya, partikular na sa business partner na si Medel.
Ang sagot lang umano ni Medel ay aayusin nito ang mga papeles na kailangan sa negosyo.
- Netizens call out Vice Ganda for "disrespecting" Karylle on It's Showtime
- Physical transformation ni Kitty Duterte, umani ng papuri mula sa netizens
- Nadine Lustre, biglang nadawit sa Dina Bonnevie-Alex Gonzaga issue
ON LUIS LEAVING THE FUEL COMPANY
Hanggang sa noong February 2022 ay nagbitiw si Luis bilang chairman ng Flex Fuel, salaysay pa rin ng source sa PEP.ph.
Dumating sa puntong may mga lumalapit kay Luis na investors at humihingi ng tulong para mabawi ang kanilang investment sa Flex Fuel.
Doon lang umano nalaman ni Luis na hindi naibabalik ang perang kinita ng mga nag-invest sa Flex Fuel.
Ipinarating daw ni Luis sa pamunuan ng fuel company ang mga nakaabot sa kanyang hinaing ng investors, pero wala raw ginagawang aksyon ang kumpanya.
Bagamat bumitiw na sa kumpanya, nadadawit si Luis at inirereklamo rin ng mga investor na nagsasabing na-scam umano sila ng kumpanya.
Nang makarating ito sa pamilya at mga kaibigan ni Luis, hinikayat nila umano ang TV host na magsalita para ipagtanggol ang sarili.
Pero hindi raw pumayag si Luis noon.
Ang katuwiran umano ni Luis, ayon pa rin sa source, pinili nitong manahimik noon para protektahan ang mga investor.
Naisip daw noon ng TV host, baka maapektuhan ang kumpanya at lalong walang makuha ang mga taong nag-invest dito kapag isinapubliko niya ang isyu.
LUIS's camp SPEAKS UP AND SEEKS NBI'S HELP
Hanggang sa noong January 31, 2022, inilathala sa bilyonaryo.com ang ulat na limang nagpakilalang investors ng Flex Fuel ang inirereklamo sina Luis at Medel sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ang alegasyon: higit 100 katao ang nag-invest umano ng halos PHP1M kada isa sa Flex Fuel, pero bigong nakuha ang profit na ipinangako sa kanila.
Noon ding January 31 ay sinagot ni Luis ang isyu sa pamamagitan ng official statement mula sa kanyang legal counsel na si Atty. Regidor Caringal.
Ayon kay Atty. Caringal, noong November 8, 2022 ay humingi ng tulong si Luis sa NBI upang imbestigahan ang Flex Fuel at ang dating kasosyo na si Medel.
Ito ay sa dahilang may mga taong lumalapit daw kay Luis upang humingi ng tulong na maibalik ang perang in-invest nila sa fuel company.
Paliwanag ng abugado, wala na umanong ugnayan si Luis sa Flex Fuel mula nang mag-resign si Luis bilang chairman of the board ng kumpanya noong February 2022.
Nag-resign din umano si Luis bilang chairman ng ICM Group of Companies, ang parent company ng Flex Fuel, kunsaan kasosyo rin ni Luis si Medel.
Bagamat si Luis ang chairman ng Flex Fuel, ayon pa rin sa abugado ng TV host, hindi nakialam si Luis sa management dahil inilihim umano ni Medel ang "operational matters" patungkol sa kanilang negosyo.
Itinalaga lang umano si Luis na chairman ng kumpanya bilang garantiya ng kanyang investment.
Sinabi rin ng abugado ni Luis na may pagkakautang si Medel na PHP66M sa TV host.
Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
PUBLIC ADVISORY FROM SECURITY AND EXCHANGE COMMISSION
Noong August 24, 2021, naglabas ang Security and Exchange Commission ng public advisory na mag-ingat sa "investment scheme" ng "small existing gasoline companies" na nagso-solicit ng investment para kumita nang "hassle-free."
Papangangakuan daw ang investor ng "franchise agreement, co-franchise agreement, partnership agreement, co-ownership contract" kapalit ng investment na "at least PHP300,000."
Ang ganoong klaseng "investment contract" o "subscription of shares of stocks" na securities, pero maituturing daw na "illegal" ang anumang "issuance of unregistered securities."
Nag-release noon ang SEC ng listahan ng mga kumpanyang registered issuers ng securities, ngunit tila hindi kasali ang Flex Fuel sa mga nabanggit na kumpanya.
