Nailigtas mula sa tiyak na kapahamakan ang isang tindera ng mangga na nilaslas ang leeg sa Cebu City.
Rumisponde kasi agad si Angyl Faith Ababat, 21, isang second-year nursing student sa University of Cebu (UC)-Banilad Campus.
Nagpapasalamat ang estudyante na nagamit ang kanyang mga natutunan sa school para mailigtas ang biktima.
Nakatakdang parangalan si Angyl ng Cebu City Police Office (CCPO) sa darating na February 6, 2023, ulat ng Sunstar.com.
Read also: Pinoy nursing student helps save life of passenger mid-flight
Sabi ni CCPO Director Colonel Ireneo Dalogdog, pararangalan si Angyl dahil sa pagsagip niya sa buhay ni Bernadeta Zamora, 54, tindera ng mangga, na nilaslas ang leeg noong January 30, 2023.
Nakunan sa video ang pagresponde ni Angyl sa nasugatang tindera.
Mapapanood ang biktima na napasandal sa isang poste at bumagsak sa sahig.
Lumapit si Angyl para tulungan ito. Inilapat ang mga kamay sa sugat ng biktima sa leeg.
Makikita ring may mga kapwa estudyante at ilang pedestrians na lumapit para tulungan din ang biktima.
Nangyari ang insidente sa tabi ng isang commercial building sa Plaridel Street sa Cebu.

Si Angyl ay nilapitan ng mga kapwa niya estudyante at pedestrian para i-assist sa pagtulong sa biktima.
SLASHING INCIDENT in cebu city
Ulat ng Sunstar, nagtitinda si Bernadita nang hilahin siya ng kanyang live-in partner na kinilalang si Edwin Salazar Lumacad.
Nilaslas ng suspek ang leeg ng biktima, at tsaka tumakas ang una.
Sa isang Facebook post nitong February 1, 2023, kinilala ng University of Cebu ang kanilang estudyante na tumulong sa biktima.
Caption sa post (published as is): “Faith in humanity restored by one of our nursing students. Kudos! Angyl for the kind deed and genuity that you showed to people in need.”
Kalakip ng post ay quote mula kay Angyl na nagdetalye sa pangyayari.
Sabi ng estudyante sa Cebuano, noong una ay nag-alangan siyang tulungan ang biktima dahil may mga medical students naman na nasa paligid.
Pero wala raw tumulong sa tindera kaya’t bago ito tuluyang nag-collapse ay kumilos na si Angyl.
Sabi ni Angyl (translated): “At first kay hesitant ko since there were a lot of other pre-med or med students there so I was hoping sila ang first to help sa lady.
“But no one responded man kasi, and when I saw nanay na halos mag-collapse na, I though hala kung walang mag-help, sino naman?
“Kaya ako na lang ang nag-respond. Nagpasalamat din ako sa aking mga RLE clinical instructors sa UC dahil tinuruan din nila kami the basics and especially sa wound care.
“Bukod pa diyan, meron ding mga trainings sa school na nagamit ko din.”

Sa salitang Cebuano, pinuri ni Dalogdog si Angyl sa kanyang pagsagip sa buhay ng tindera.
Ani Dalogdog (translated in English): “She acted like a good public servant who, in time of trouble, especially when facing someone who was on the verge of death, never thought twice about helping.
“That’s a Filipino habit that we appreciate because Filipinos are helpful by nature.”
Si Angyl ay makakatanggap ng plaque of appreciation para sa kanyang pagsilbi bilang magandang ehemplo sa pagsagip sa buhay ng iba.
Samantala, ang suspek ay naaresto at sinampahan ng frustrated murder na lumabag sa Republic Act 9262, or the Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.
Ipinaalam naman ng mga kamag-anak ng biktima na bumubuti na ang kalagayan nito na naisugod din sa ospital.
