PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista addresses ilusyonada tag

"Nai-intimidate sila sa confidence na meron ako."
by Bernie V. Franco
Published Feb 3, 2023
kakai bautista
Kakai Bautista: “Kaya mo lang bini-blame sa akin yan kasi hindi mo kayang gawin."
PHOTO/S: @ilovekaye on Instagram

Aminado ang singer-comedienne na si Kakai Bautista na ang madalas itawag sa kanya ng kanyang mga kritiko ay “ilusyonada.”

“Aminin na natin na-[li-link] sa akin na mga guwapo, di ba?” pabiro niyang sabi kung bakit madalas siyang punahing mahilig mag-ilusyon.

Pero naniniwala si Kakai na laging ito ang ipinupukol sa kanya dahil mataas ang kanyang self-confidence.

“Nasasabi talaga kahit hanggang ngayon ilusyonada kasi siguro hindi nila kaya yung confidence ko. Na-intimidate sila sa confidence na meron ako,” pahayag ni Kakai sa interview niya sa Magandang Buhay ngayong Biyernes, February 3, 2023.

Katuwiran naman ni Kakai, “Hindi na nga ako masyadong maganda, hindi pa ako confident. Anong mangyayari sa akin? Lugmok ba?”

Tinukso ng hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros si Kakai na na-link noon sa Thai actor na si Mario Maurer at aktor na si Ahron Villena, pero umiwas ang comedienne.

Pero bukod dito, binabansagan din daw siyang ilusyonada dahil sa mga post niya ng pagpapaseksi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hanggang ngayon, kahit may mga simpleng pinu-post, ilusyonada… magtu-two-piece ba ako, o mga ganon. Sasabihin nila lagi, ‘Ilusyonada,’ Bakit?”

Pero kumbinsido si Kakai na inggit ang pinagmumulan ng mga kritiko niyang ito.

“Ang sinasagot ko lang palagi, ‘Wag mong isisi sa akin ang mga bagay na di mo kayang gawin, di ba?

“’Kaya mo lang bini-blame sa akin yan kasi hindi mo kayang gawin. Subukan mo kaya?’”

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Kakai na mas relaxed na siya ngayon sa estado ng kanyang buhay.

Pagbabahagi niya, “May balur [bahay] na kami, so medyo mas kalmado na ako ngayon, kumbaga.

“Kasi okay na yon e. Yun ang pangarap ng pamilya ko.”

At ang reward daw niya ngayon sa kanyang sarili ay magkaroon ng oras para sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista: “Kaya mo lang bini-blame sa akin yan kasi hindi mo kayang gawin."
PHOTO/S: @ilovekaye on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results