Sinabihan ni Sunshine Cruz ang kanyang ex-husband na si Cesar Montano na magpakabait sa current partner nito.
Karelasyon ngayon ni Cesar si Kath Angeles, kung saan may tatlo silang anak—sina Samuel, Liam, at Kristen.
Dating mag-asawa sina Sunshine at Cesar. May tatlo silang anak na babae: sina Angelina, Samantha, at Chesca.
Ibinaon na sa limot nina Sunshine at Cesar ang nakaraan dahil simula noong 2022 ay muli na silang nagkita at nagkapatawaran.
SUNSHINE’S MESSAGE TO CESAR
Blended family nga ang nangyari dahil nagkakasama sa mahahalagang okasyon si Sunshine at mga anak, si Cesar, partner na si Kath, at mga anak nila.
Sabi ni Sunshine, ang pagkakabati nila ni Cesar ay lubos na ikinatuwa ng kanilang mga anak.
“Very, very happy ako kasi nakikita ko kung papaano nagsa-shine ang mga eyes ng anak ko,” pagbabahagi ni Sunshine sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda noong February 2, 2023.
“Sila na mismo ang nagsabi na yung piece na yon na lacking sa heart nila, parang puzzle, nabuo ulit.
“And I am very, very happy that I am okay.”
Inamin din ng aktres na pinapaalalahanan niya ang kanyang dating asawa pagdating sa current relationship nito.
Ayon kay Sunshine: “Sabi ko nga kay Cesar, ‘Magpakabait ka na diyan kay Kath. Napakaganda, napakabait, napakasuwerte mo. Mag-behave ka.’
“Kung hindi, makakaaway niya kaming lahat ng mga anak ko.”
Masaya naman ang aktres na may maganda siyang relasyon sa ex-husband at sa current partner nitong si Kath.
“So I am very happy sa relationship that I have with all of them,” pakli ng Underage actress.
SUNSHINE ON BREAKUP WITH MACKY
Sa interview ni Sunshine kay Boy Abunda, nagsalita rin ang aktres sa breakup nila ng dating boyfriend na si Macky Mathay.
Napaulat ang hiwalayan ng dalawa noong nakaraang taon.
Sinabi ni Sunshine na maraming beses niyang binigyan ng chance ang relasyon nila ni Macky pero bandang huli ay hindi rin ito naayos.
Sabi ni Sunshine: “Masarap magkaroon ng chance. Of course, you give your second chance, third chance, hanggang tenth pa nga na beses magbibigay ka, e.
"Pero at the end of the day, you wake up one day mari-realize mo wala nang patutunguhan ang relationship.
"And you just have to be thankful for the years you’ve been together. Naging maganda yung pagsasama ninyo. Nagmahalan kayo. Naging inspirasyon kayo sa isa’t isa."
Read: Sunshine Cruz finally breaks silence on breakup with Macky Mathay
Hiningan si Sunshine ng mensahe para sa kanyang sarili.
Sagot ni Sunshine: “I’m so sorry kung sobra-sobra kang magmahal sa tao.
“And thank you, thank you kasi nagmahal ka man nang buong-buo, alam ko na nabi-bless at nakikita ng Diyos kung ano ang totoong nasa puso mo.”
