PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will David Licauco court Barbie Forteza if she were single?

Barbie to David: "You're still the same David na nakilala ko."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 6, 2023
barbie forteza david licauco fast talk
Barbie Forteza (left) on David Licauco (right): "What I like most about you, hindi ka nagbago. You’re still the same David na nakilala ko. Kahit sikat na sikat ka na ngayon sobrang humble mo pa rin.”
PHOTO/S: GMA Network

Aminado si David Licauco na lahat ng katangiang gusto niya sa isang babae ay na kay Barbie Forteza, ang kapareha niya sa top-rating primetime series ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra.

Ngayong Lunes, February 6, 2023, sumalang ang dalawa sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan hinarap nila ang mga maiinit na tanong ng host na si Boy Abunda.

Diretsahang tanong ni Boy kay David, “Halimbawa lamang, David, hypothetical, single si Barbie, liligawan mo ba siya?”

Maligoy na sagot ni David, “Tito Boy, I like smart, go-getter na babae, [and I like] cute girls, simple lang. Ganun si Barbie.”

Hirit ni Barbie, “Hindi niya sinagot kung yes or no.”

Sundot na tanong ni Boy, “Oo nga, David, it is a yes or no?”

Mabilis na sagot ng aktor, “Yes.”

Hindi rin nakatakas si Barbie sa tanong kung sakaling hindi niya kasintahan si Jak Roberto, sasagutin ba niya si David kung manligaw ito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Barbie Forteza, thankful na di seloso ang BF niyang si Jak Roberto

Saad ni Barbie, “Siguro kapag nakilala ko pa siya deeper. Kapag naging close siya sa family ko and all.

“Basta yung malaman ko kung paano siya manligaw, maybe I’ll have my answer then.

“But now, we’re really good friends.”

“NANDITO LANG AKO PARA SA IYO”

Kasalukuyang pinag-uusapan ang tambalan nina Barbie at David dahil sa kanilang pagganap sa historical portal fantasy serye ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra bilang sina Klay (Barbie) at Fidel (David) o mas kilala bilang "FilLay."

“FiLay” ang bansag sa tinatangkilik na love team nilang dalawa.

Read: Dagdag na eksena ng "FiLay" love team, hiling ng viewers ng Maria Clara at Ibarra

Ayon kina Barbie at David, kahit sila ay hindi makapaniwalang mamahalin nang husto ng mga manonood ang kanilang mga karakter.

Tanong ni Boy, “Did you expect that this would work [the love team]?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni David, “No.”

Read: GMA-7 exec Cheryl Ching-Sy retraces how Maria Clara at Ibarra was born

Ang pagtatambal daw nila sa programa ang naging daan para maging komportable sila sa isa’t isa at tuluyang maging magkaibigan.

Kaya naman sa nalalapit na pagtatapos ng Maria Clara at Ibara ay may pabaong mensahe sila sa bawat isa.

Read: Maria Clara at Ibarra's X factor: great storytelling, stellar cast, big-budget production

Mensahe ni Barbie kay David: “What I like most about you, hindi ka nagbago.

“You’re still the same David na nakilala ko.

“Kahit sikat na sikat ka na ngayon, sobrang humble mo pa rin.”

Mensahe naman ni David kay Barbie: “Keep chasing your dreams, saka maging grounded ka lang.

“I mean, alam ko naman na grounded ka, galingan mo pa.”

Dagdag pa niya, “Nandito lang ako para sa iyo.”

Read: Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza (left) on David Licauco (right): "What I like most about you, hindi ka nagbago. You’re still the same David na nakilala ko. Kahit sikat na sikat ka na ngayon sobrang humble mo pa rin.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results