Hindi inaasahan ng Kapuso actor na si David Licauco na malalantad sa publiko ang relationship status niya ngayon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, February 6, 2023, hindi nakatakas si David sa pang-uusisa ni Boy Abunda sa kanyang buhay pag-ibig.
Read: Will David Licauco court Barbie Forteza if she were single?
Tanong ni Boy: “Are you single now?”
Mabilis na sagot ni David: “Yes, I’m single.”
Pero hirit ni Boy: “Hindi naman ako naniniwala, nagkabalikan kayo, e.”
Tanggi ni David: “Hindi, hindi kami nagkabalikan.”
Bakas sa mukha ni David ang pagkagulat na alam at kilala ni Boy kung sino ang babae.
Ayon kay Boy, hindi niya papangalanan ang naging girlfriend ni David na "napakaganda" dahil mula ito sa isang pribadong pamilya.
Pagbubunyag pa ni Boy, “I know you're separated. Naghiwalay kayong dalawa and then ang alam ko, there was another guy involved na kilala nating dalawa.
“Was that the reason, David, why you got back?”
Gulat na sagot ni David: “Wait lang, first of all, bakit alam niyo yan?
“But, yeah, I would say that was the reason behind the breakup.
“I mean, among other things, ayun yung pinaka-main reason.”
Ibinuking din ni Boy na gusto na raw noon ng ex-girlfriend ni David na mag-settle down na ngunit hindi pa handa ang aktor.
Magkahalong hiya at natatawang sagot ni David, “Yeah, I’m not ready.
“Because go-getter kasi ako and mas gusto ko yung career muna, and siya kasi nasa stage na siya ng…"
Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni David: "Wait lang, hindi ko gets kung bakit alam!
“Bakit? Parang wala naman akong sinabihan.”
Muling inusisa ni Boy kung nagkabalikan nga ba sila ng tinutukoy niyang babae .
Tugon ni David: “Nagkabalikan kami pero nag-decide kami na maghiwalay na."
Inamin ng Kapuso actor na nagselos siya sa "isang aktor" na naugnay sa kanyang ex-girlfriend, dahilan para hindi na sila magkaayos.
Binanggit din ni Boy ang naging relasyon ni David sa isang aktres noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN ang aktor. Naging tahimik lang din daw si David tungkol dito.
Mayroon na raw ibang boyfriend ngayon ang nasabing aktres.
Biniro pa siya ni Boy na kung gusto ni David ay papangalanan niya kung sino ang kanyang tinutukoy.
Singit naman ni Barbie Forteza, na kasama ni David sa interview, "Parang wala siyang gusto sa mga nangyayari ngayon, Tito Boy!"
Natawa na lang din si David sa mga pangyayari.
DAVID LICAUCO ON BREAKUP WITH AN ABS-CBN ACTRESS
Noong 2018, inamin ni David sa isang panayam na nagkaroon siya ng kasintahang taga-ABS-CBN na minabuti rin niyang hindi pangalanan.
Ayon sa kanya, ang kanilang secret relationship ay tumagal din ng halos isang taon, bago silla magpasyang maghiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaan.
Saad ni David, “Taga-ABS siya. So, di ko siya kaya.
"Wala, it’s hard. May love team.
"Siyempre, at the time, hindi pa ako artista, hindi pa marunong i-handle. Pero siguro now, okay lang."
Iniyakan daw niya ito hanggang sa tanggapin na lamang na wala na talaga sila.
Aniya, “Sobrang umiyak ako nun. Pero siyempre once na-accept mo naman na yung fact kung bakit wala na...
“Ganun naman yun, e. Meron akong nakitang quote, sabi, ‘It’s not about moving on, it’s about acceptance.’
"Kapag na-accept mo na, okay ka na.”
Read: David Licauco on breakup with an ABS-CBN actress: "Sobrang iniyakan ko yun."
