Kasal na ang aktor na si Sam Milby kay Miss Universe 2018 Catriona Gray?
Ito ang usap-usapan sa social media noong Christmas break hanggang sa sumalang si Catriona bilang backstage host ng Miss Universe 2022 pageant noong January 15, 2023.
Nag-ugat ito sa bakasyon ng celebrity couple sa Australia noong Pasko.
Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang litrato ni Catriona na may suot na gold ring sa kanyang right ring finger.
Dagdag pa rito, noong Miss Universe 2022 coronation night ay may netizen na tinukoy si Catriona na "Mrs. Catriona Gray-Milby."
Pero nilinaw ni Sam na hindi pa sila kasal ng girlfriend niyang beauty queen.
"It was just funny when that came out. Obviously, dahil sa post ni Nica, na wala namang sinabi about a wedding.
"But there was some other person na nag-post na si Mrs. Catriona Gray-Milby ang magho-host ng Miss Universe.
"They connected and they thought na kasal kami, which is not true.
"Di pa kami kasal. Assumptions lang ng mga tao," paglilinaw ni Sam.
SAM MILBY's ideal marrying age
Nakapanayam si Sam ng piling entertainment media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng event para sa pelikula niyang The Diary of Mrs. Winters.
Hindi naman itinanggi ni Sam na napag-uusapan nila ni Catriona ang pagpapakasal.
Si Catriona na ba ang nais niya makasama habang-buhay?
Matamis na ngiting sagot ni Sam, "Yes, I do believe so."
Kung kailan man siya magpo-propose kay Catriona, sisiguruhin daw niya na sorpresa iyon sa nobya at iaanunsiyo nila pag nangyari na.
Hindi naman daw sila nagmamadaling magpakasal.
Nang tanungin ng PEP.ph na lampas na siya sa kanyang ideal age para mag-asawa, sabi ni Sam: "You have to be ready na life never goes the way you planned it.
"Yung sinabi ko dati, my ideal age was 35 to get married. Lahat ng mga kaibigan ko may asawa at anak na.
"And it's not because of that na I should be pressured na mag-asawa. No.
"I think the right time is worth the wait."
SAM MILBY AND CATRIONA GRAY AGE GAP
Nine years ang age gap nina Sam, 38, at Catriona, 29. Pero pag-amin ng Kapamilya actor, minsan "mas batang-isip ako kaysa sa kanya kung paano ako mag-act."
Marami raw silang differences at similarities, pero ang mahalaga ay swak sila.
"We just get along," nakangiti pa ring paglalarawan ni Sam sa relasyon nila ni Catriona.
"Honestly, wala kaming malalaking away. We're just able to be understanding of each other.
"How supportive we are of each other's career, I just know, yeah."
Diin pa ni Sam, "Parang they say you should marry your best friend. She's my best friend. Vice versa."
MORE HOT STORIES ON PEP.PH:
- Judy Ann Santos reveals convo with ABS-CBN exec about her new non-Kapamilya series
- Willie Revillame hits back at celebrity critics: "Binigyan ko kayo ng tulong dati... tinitira niyo pa ako!"
- Jennica Garcia finally ends talk about marriage to Alwyn Uytingco
- Nora Aunor, natakot nang sigawan ni Gina Alajar ang kaeksena niyang young star
