Umani ng samu't saring reaksiyon sa social media ang viral news report ng TV host-actress na si Dianne Medina patungkol sa debut ng tatlong miyembro ng K-pop girl group na TWICE sa Japan.
Ang TWICE members na sina Mina, Sana, at Momo ay magkakaroon ng debut sa July 26, 2023, bilang Japanese subunit na MISAMO.
Sa news report ni Dianne sa Rise and Shine Pilipinas ng PTV4 noong February 12, 2023, iniulat niya ang nasabing trio debut, ngunit imbes na sub-unit, nabigkas ni Dianne na dire-diretsong "subunit."
Dahil dito, kaliwa't kanang komento ng mga netizens partikular ang mga TWICE fans o ONCEs ang naglipana sa Twitter.
Tweet ng isang K-pop fan (published as is), "She could have at least did a quick research, I assume news details wasn't given to her before the newscast hence the 'SUBUNIT'."
Saad pa ng isa, "I like you Filipino accent, say it again Subunit."
Komento pa ng isa, "I'm so sorry for laughing because of "subunit", it sounds like sabunot. Anyway, it's okay if she mispronounced it. Sometimes it's hard to read words that you're unfamiliar with. I think the teleprompter showed "subunit", they should put "sub-unit" instead."
Mukhang agad naman itong nakarating kay Dianne, kaya't sa kanyang muling news report nitong Lunes, February 13, 2023, itinama na niya ang naunang maling pagbigkas sa "subunit."
Ipinost pa ni Dianne ang video clip ng news report sa kanya mismong Instagram account.
Sabi niya sa report, "Japanese line ng K-pop girl group na TWICE magde-debut sa Japan bilang subunit.
"Ayon sa anunsyo ng Korean Entertainment Portal na soompi, magde-debut sa Japan ang kauna-unahang subunit ng girl group na TWICE ang Japanese line nito na kinabibilangan nina Mina, Sana, at Momo.
"Inaasahan na magrelease ng mini-album ang Japanese line ng grupo sa ikadalawangput anim ng Hulyo bilang MISAMO, na nagmula sa pangalan ng tatlong miyembro nito."
Samantala, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang suporta at komento ng ilan sa kanyang kapamilya at tagahanga.
Komento ng asawa niyang si Rodjun Cruz, "Yas Queen! Wife wife! Always proud of you!"
Tatlong red hearts naman ang komento ng brother-in-law niyang si Rayver Cruz.
Na agad ni-replay-an ni Dianne, "Thanks for the support ray love you!"
May ilan din ay isinisisi sa teleprompter ang pagkakamali ni Dianne.
Sabi ng isa, "Bakit naman kasi hindi ininform ni writer kaloka! [laugh emoji] team work next time!"
Reply ni Dianne, "Wala siya, pero anyway atleast lesson learned [not] to rely sa prompter at script."
Komento pa ng isa, "Okay lang yan mam. Atleast trending. Lahat tayo nagkakamali. Dedma sa mga pawoke-banal banalan."
Buwelta ni Dianne, "Never ko tinake na kahihiyan 'coz I know God allowed this to happen so I will learn from this mistake. Unless ikaw perfect ka siguro, ako kasi hindi kaya okay lang magkamali."
READ MORE:
