PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Verzosa clarifies he and Rhian Ramos are still together

Sam Verzosa: "Nandun siya sa ospital hanggang nawala ang papa ko."
by Melba R. Llanera
Published Feb 15, 2023
Sam Verzosa and Rhian Ramos
Sam Verzosa on relationship with Rhian Ramos: "Ako, normal sa akin ang mga di pagkakaintindihan. Ang importante nakakapag-usap kayo, naayos niyo, nakikilala ninyo ang isa't isa lalo, mas nagma-mature kayo. Now, we're striving to be the best version of ourselves."
PHOTO/S: Melba Llanera / @samverzosa Instagram

Matagal nang usap-usapang nauwi sa breakup ang relasyon ng Kapuso actress na si Rhian Ramos at ni Tutok To Win Party List Representative Sam Verzosa.

Ito ay matapos maiulat noong Disyembre 2022 ang pag-unfollow nina Sam at Rhian sa isa't isa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 14, 2023, nilinaw ni Sam na hindi siya iniwan ng kasintahan at dinamayan siya nito nang pumanaw ang kanyang ama.

Pumanaw ang ama ni Sam na si Samuel Verzosa Sr. noong February 5.

"We're okay, we talk every day, we text each other every day," bungad ni Sam.

Patuloy niya: "Actually, nandun siya sa ospital, dumadalaw sa papa ko. Hanggang namatay ang papa ko nandun siya, nagpunta siya sa wake.

"Nandun siya sa ospital hanggang nawala ang papa ko. Katabi namin siya, kasama namin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang pinakaimportante dun, nandun kami for each other."

Aminado si Sam na naisyung break na sila ni Rhian dahil sa pag-unfollow nila sa isa't isa sa Instagram.

Pero hindi raw iyon ang sukatan ng estado ng relasyon nila ng kasintahan.

Paliwanag pa ni Sam: "Alam ninyo, nagsimula yan nung nag-unfollow. Para sa akin, yung follow at unfollow na yan, di nagde-define ng relationship.

"Kasi ang social media, di naman yan validation ng isang relationship kung masaya o hindi.

"Kasi minsan maganda ang mga posts, masaya. Magugulat ka na lang yung mag-asawa, naghiwalay na.

"Mayroon naman di nagpo-post, pero alam niyo, sobrang saya. Mayroon tayong mga ganung kaibigan."

SAM VERzOSA ON MISUNDERSTANDINGS

Kung nagkaroon man sila ng di pagkakaunawaan noon ni Rhian ay hindi na idinetalye ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi lang niya, "Ako, normal sa akin ang mga di pagkakaintindihan. Ang importante nakakapag-usap kayo, naayos niyo, nakikilala ninyo ang isa't isa lalo, mas nagma-mature kayo.

"Now, we're striving to be the best version of ourselves.

"Ang importante nagmamahalan kami, nakasuporta kami sa isa't isa at nandun kami para sa isa't isa.

"Kung anuman ang label na tawag ninyo dun, kayo na ang bahala."

Masasabi naman daw ni Sam na nag-"level up" ang relasyon nila ni Rhian.

"Nasa next level na tayo diyan. Alam niyo, bawat relasyon may levelling, nasa next level naman tayo.

"Nakikilala namin ang isa't isa, naggo-grow tayo, natututo tayo sa mga pagkakamali. Now, sabi ko nga, we're striving to be the best version of ourselves."

SAM VERZOSA ON WEDDING TALKS WITH RHIAN RAMOS

Inamin din ni Sam na "lagpas one year" na sila ng kasintahang si Rhian.

Tinanong si Sam kung napag-uusapan na nila ang pagpapakasal, lalo't ayon naman sa kanya ay maganda ang relasyon nilang dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Sam, "Alam ninyo, in every relationship naman, siyempre maiisip mo yan.

"Sabi ko nga, we're in a stage na we're getting to know each other, we're growing as a person.

"And bago tayo dumating diyan, dapat handa tayo, at pag dumating yan, sana yun nga, maabot natin kung ano yung best o better version of ourselves.

"Ready? I'm still on the process kasi bata pa naman tayo, marami pang nangyayari, marami din natutunan along the way.

"Pag talagang dumating yan, mararamdaman na lang din namin."

Sabi pa rin ni Sam sa usapang pagpapakasal, "Di naman napag-uusapan masyado. Siguro minsan kung ano...

"Pero napag-usapan na namin yan kahit di pa kami. About relationships, ano ba ang mga plano namin sa buhay. 'Gusto ko ganito. Kailan mo gustong mag-settle down?'

"Basta kami, wala pa kaming concrete plans on that."

Ano naman ang gift na ibinigay niya kay Rhian nitong Valentine's Day?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, matagal ko nang naibigay. Kasi ang pinakaimportanteng regalo ay ang sarili mo at ang pagmamahal mo sa isang tao.

"Walang materyal na bagay ang puwedeng tumumbas dun, so naipadala na natin dati pa, naibigay na natin."

SAM VERZOSA's TV SHOW

Nakapanayam ng PEP.ph si Sam sa presscon ng Dear SV, ang bagong public service program ng CNN Philippines, na magsisimulang umere sa February 18.

Nagpapasalamat si Sam sa tips na ibinibigay sa kanya ni Rhian pagdating sa hosting.

"Sinusuportahan niya ako, sinusuportahan niya yung show. Sa kanya ako minsan humihingi ng tips about hosting kasi bago ako dito.

"Ang galing-galing niyang mag-host, ang tagal-tagal na niya dito sa showbiz. Ako, bago ako dito.

"Nagtatanong ako sa kanya, 'Paano ba? Di ko alam kung ano ang magiging hitsura ko sa camera. Paano ba kumausap ng mga tao lalo na pag mabigat ang mga pinagdadaanan?'

"Magaganda naman ang mga payo niya sa akin. Mayroong magagandang tutorial kasi ang hosting depende rin kasi yan sa show. Heto may pagkaseryoso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lagi niyang sinasabi sa akin nun, 'Just be brave to say whatever comes first to mind. Huwag kang mahiya kasi along the way, lalabas at lalabas ang tunay na sarili mo.'

"Iba ako, iba si Kuya Wil [Willie Revillame], iba ang ganitong host. You are your own. Very grateful na marami siyang naitulong at naibigay na advice sa akin."

Nakakasama rin ni Sam si Rhian sa outreach activities ng pag-aari niyang kumpanya, ang Frontrow.

"Oo, pati siya nakasama ko na rin sa isang charity. She did a charity event for single moms, dun pa sa lugar namin sa Sampaloc, Manila.

"Yung mga single moms sa iba't ibang barangay. Tinuruan namin na gumawa ng iba't ibang sabon panlaba, sabon panlinis, kumbaga livelihood."

Trinanslate daw iyon sa show ngayon ni SV.

Ani Sam, "Ang pino-promote natin ay sustainable na pagbabago, mga sustainable na pagtulong. Di lang bigay, kundi para matulungan nila ang mga sarili nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang very concept ng Dear SV."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Verzosa on relationship with Rhian Ramos: "Ako, normal sa akin ang mga di pagkakaintindihan. Ang importante nakakapag-usap kayo, naayos niyo, nakikilala ninyo ang isa't isa lalo, mas nagma-mature kayo. Now, we're striving to be the best version of ourselves."
PHOTO/S: Melba Llanera / @samverzosa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results