Artista na si Marianna del Rio!
Ang 17-year-old Brazilian model na nadawit sa kontrobersyal na "hiwalayan" ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz, and recently, na-link naman kay Sam Milby ay tuluyan nang pinasok ang mundo ng showbiz. Heto nga't siya ang love interest ng bagong superhero na si Jon Avila sa Kapitan Boom.
“Everybody I’ve worked with sa Kapitan Boom helped me how to act and teach [sic] me new words. They’re all super-nice to me,” umpisa ni Marianna.
Maituturing ba niyang blessing in disguise ang pagkakaugnay ng kanyang pangalan kay Cesar? Dahil sa naturang isyu, na pumutok noong huling linggo ng Disyembre 2007, ay nakilala ang pangalang Marianna.
“Uhm, [to] tell you, I think I don’t like to say, 'I like the fact I was linked to someone to get where I am now.' Pero I have to admit it helped me, ‘di ba?" ang medyo ilang na sagot ng half-Pinay, half-Brazilian.
Dagdag pa niya, “Pero hindi ko gusto to say, ‘Yes, I love the fact that [because of] intriga so here I am now.’ I want to prove that I can do it. Na I’m learning how to speak Tagalog…I’m trying to learn as much as I can, how to act, to make it good. To make people like Marianna as an actress.”
O nagsisisi na ba siya ngayon sa pagkaka-link niya noon kay Cesar?
“I don’t like the fact that my name was linked [to him]. But I didn’t do nothing [sic] so [it's] not my fault that my name was linked to him,” ang mabilis na tugon ni Marianna.
Naapektuhan ba siya ng mga kontrobersiyang ibinato sa kanya noon?
Aniya, “Opo, I’m really now kinda scared. Everything, you know, because...but I’m not really looking [forward] to meet guys. I’m scared of, they might [be linked to] me, blah-blah-blah, but not really. I’m really scared.”
Ano naman yung tungkol sa kanila ni Sam?
“Uhm, it’s not a thing that I like to say. We’re working with the same channel, we work with Star Magic, you know, Kapamilya tayo so we cannot fight,” ang sabi ng Samba girl.
Sa mga sumunod na tanong tungkol kay Sam ay umiwas na si Marianna at tumangging sumagot. Pero kasabay ng presscon ng Kapitan Boom ay ang interview naman kay Anne Curtis, na nababalitang girlfriend ni Sam. Sinabi raw ni Anne sa presscon na binigyan niya ng warm welcome ang budding Kapamilya star sa showbiz.
“You know, I always watch her teleserye," ang sabi ni Marianna. "I think she’s a good actress. I don’t want to fight with her. I’m happy that she said that.”
At nang tanungin kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nagkita sila ni Anne, hindi raw niya alam kung ano ang sasabihin niya.
Sa kabilang banda, nagsalita na rin si Sunshine tungkol sa "separation" issue at nilinaw nito na hindi ang Brazilian model ang dahilan ng hiwalayan nila ni Cesar.
Mabilis na nag-react si Marianna, “So, see walang problem?”
Ano ang nararamdaman niya sa sinabi ni Sunshine?
“Yeah, wala kasing...not me. Hindi ako. I think, I’m feeling so good. I’m relief [sic]. Walang problema with Sunshine. That’s a good thing for me,” pagtatapos niya.
