PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zanjoe Marudo finally posts photos with girlfriend Ria Atayde

Zanjoe celebrates first Valentine celebration with girlfriend Ria.
by Rachelle Siazon
Published Feb 15, 2023
Zanjoe Marudo and Ria Atayde
Zanjoe Marudo and Ria Atayde post sweet photos from their first Valentine celebration as a couple.
PHOTO/S: @onlyzanjoemarudo Instagram

Tuluyan nang isinapubliko nina Zanjoe Marudo, 40, at Ria Atayde, 30, ang pagsinta nila sa isa't isa.

Read: Ria Atayde posts sweet moments with Zanjoe Marudo

Ngayong Miyerkules, February 15, 2023, si Zanjoe ang nag-post sa Instagram ng sweet photos nila ni Ria na kuha sa kanilang Valentine's Day celebration.

Halatang masaya ang couple habang ine-enjoy ang mountain view sa nirentahan nilang airstream.

Romantic ang vibe lalo pa't kuha ang moment sakto sa sunset time.

Walang ibang caption si Zanjoe kundi simpleng heart emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-reply si Ria ng "Best first Vday ever" at ni-repost ang post ng nobyo.

Ito ang unang pagkakataong naka-highlight sa feed ni Zanjoe ang couple photos nila ni Ria.

Kadalasan kasi noon ay nasa Instagram Stories lamang nila ang kanilang mga litrato, o di kaya naman ay isinasama ng dalawa ang picture nila sa album kasama ng pictures ng kanilang barkada.

Hindi naman maitatangging mas lumalalim ang relasyon ng dalawa, lalo pa't pagpasok ng Bagong Taon ay kasama si Zanjoe sa bakasyon ng pamilya Atayde sa Taiwan.

Hanggang sa noong January 17 ay inamin ni Zanjoe sa isang TV interview na "out in the open" ang relasyon nila ni Ria.

Read: A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo and Ria Atayde post sweet photos from their first Valentine celebration as a couple.
PHOTO/S: @onlyzanjoemarudo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results