PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ancient Hebrew Bible May Fetch PHP2.7B

Ito ang "most influential book in human history."
by Bernie V. Franco
Published Feb 17, 2023
Hebrew Bible
Ang Codex Sassoon, ang Hebrew Bible na ang edad ay 1,100 years old, ay nagtataglay ng mga pahinang gawa sa balat ng hayop.
PHOTO/S: Sotheby's

Isusubasta ang itinuturing na pinakamatanda at most complete Hebrew Bible sa kasaysayan.

Ito ang 1,100-year-old na Codex Sassoon na sinasabing “most influential book in human history.”

Codex ang tawag sa mga manuscript pages na tinahi para gawing aklat.

Isusubasta ito sa darating na Mayo 2023 at ang presyo ay expected na maglalaro mula US$30 million hanggang US$50 million o katumbas ay PHP1.6 bilyon hanggang PHP2.7 bilyon.

Tinatayang sinimulan itong buuin noong late 9th century hanggang early 10th century.

codex sassoon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag itong Codex Sassoon dahil isinunod ito sa pangalan ng dati nitong owner: si David Solomon Sassoon (1880-1942), isang bibliophile at Jewish community leader.

Binubuo ito ng 792 parchment pages na gawa sa balat ng hayop. "Most complete" ito dahil 17 pages lamang ang nawawalang pahina nito, ulat ng CNN.

WORLD’S OLDEST HEBREW BIBLE

Ang Hebrew Bible ang siyang foundation ng tatlong relihiyon: Judaism, Kristiyanismo, at Islam.

Mayroon pang mas matandang manuscript kesa sa Codex Sassoon—ang Dead Sea Scrolls at Aleppo Codes, na parehong nawawalan nang napakaraming pahina.

Kaya ang Codex Sassoon ang “oldest and most complete,” report ng CBS News.

Mas matanda ito ng 100 years sa Leningrad Codex, ang pinakamatanda at kumpletong Bibliya.

Ilalabas para i-exhibit ang Codex Sassoon sa United Kingdom, Israel, at U.S. sa mga susunod na buwan, bago ito isusubasta ng Sotheby’s sa Mayo 2023.

Huli itong nakita ng publiko higit 40 years ago.

Ang Sotheby’s ay premyadong auction house na nagsusubasta at nagbebenta ng mga mamahalang items, antigo man o modern.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

codex sassoon

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Codex Sassoon, ang Hebrew Bible na ang edad ay 1,100 years old, ay nagtataglay ng mga pahinang gawa sa balat ng hayop.
PHOTO/S: Sotheby's
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results