PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Verzosa Supports Willie Revillame

Sam on Willie: “Ang dami na niyang natulungan."
by Bernie V. Franco
Published Feb 18, 2023
Sam Verzosa and Willie Revillame
Sam Verzosa on Willie Revillame: "Ang buhay ni Kuya Will, nasubaybayan niyo parang gulong. Pero in the end, lagi naman niyang nalalampasan ang lahat ng pinagdadaanan niya. Ang dami na niyang natulungan."
PHOTO/S: Bernie Franco / Wowowin

Ipinagtanggol ni Sam Verzosa ang itinuturing niyang mentor na si Willie Revillame kaugnay ng samu't saring isyung kinasangkutan ng Wowowin host.

Dahil sa sobrang online bashing sa kanya, nagbitiw si Willie ng mga maiinit na tirada sa ilang recent episodes ng kanyang programa.

Binuweltahan niya rito ang kanyang bashers at kritiko, kabilang na ang ilang personalidad na inabutan daw niya ng tulong noon.

Read: Willie Revillame laments netizens' reaction to news about ALLTV

Kinunan ng reaksiyon si Sam kaugnay ng isyung ito ni Willie nitong February 14, 2023.

Ano ang masasabi ni Sam sa sinasabing panunumbat ni Willie sa tulong na naibigay niya sa ilang showbiz personalities na pinupuna siya ngayon?

“Ang masasabi ko lang, si Kuya Wil ay napakabuting tao,” ani Sam sa presscon ng kanyang public service show na Dear SV na ipapalabas sa CNN Philippines.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Nandito ako sa kinalalagyan ko dahil sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala kaming ibang ginawa kundi tumulong, magbigay ng financial assistance sa mga kababayan, house and lot, ayuda…”

Ani Sam, ang tanging sinabi sa kanya ni Willie noon nang tumakbo sa ilalim ng partylist ay magbibigay sila ng tulong.

Ang sabi raw sa kanya ni Willie noon: “Wala tayong ibang gagawin kundi kabutihan.”

Pagpapatuloy ni Sam: “Kung nakukuwento niya ang kabutihan na nagagawa niya, e, kung totoo naman.

“Parang kami. Kami nga, pinalalabas namin sa TV, e,” pagtukoy sa kanyang show na mag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan.

"Sabi ko nga, kung may ginawa kang kabutihan sana mas makita ng maraming tao para ma-inspire na gawin din ang ginagawa namin.”

Si Sam ay mas nakilala dahil ginawa siyang “sidekick” ni Willie sa Wowowin. Dito naturuan ni Willie si Sam sa pagho-host.

Si Sam din ang congressman ng Tutok to Win partylist na ang pangalan ay hango sa show ni Willie.

Si Willie ang celebrity endorser nang mangampanya si Sam noong 2022 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Sam, ang pagkapanalo ng kinabibilangang partylist ay dahil kay Willie, kaya’t tinatanaw ito ni Sam na utang na loob.

Si Willie rin ang nagtuturo at nagbibigay sa kanya ng trabaho sa hosting, business, at maging sa personal na aspeto.

“Napakadami nang pinagdaanan ni Kuya Wil," ani Sam kay Willie na itinuturing daw niyang tatay.

“Ang buhay ni Kuya Wil, nasubaybayan niyo parang gulong.

“Pero in the end, lagi naman niyang nalalampasan ang lahat ng pinagdadaanan niya.

“Ang dami na niyang natulungan. Wala na siyang kailangang i-prove pa.

“Ano pang masasabi mo sa ganoong klaseng tao? Tumutulong every day kahit hindi na niya kailangang gawin, tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtulong.”

Maaanghang na salita ang pinakawalan ni Willie sa episode ng Wowowin noong February 7, 2023.

Dito niya sinagot ang pambababatikos na kanyang tinanggap kasunod ng balitang panandaliang pamamahinga ng ilang programa sa ALLTV.

Sa ALLTV umeere ang Wowowin ni Willie at may mataas na katungkulan si Willie sa TV station na nasa ilalim ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ni former Senator Manny Villar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Verzosa on Willie Revillame: "Ang buhay ni Kuya Will, nasubaybayan niyo parang gulong. Pero in the end, lagi naman niyang nalalampasan ang lahat ng pinagdadaanan niya. Ang dami na niyang natulungan."
PHOTO/S: Bernie Franco / Wowowin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results