PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Mayor Yul Servo supports Manila Film Festival comeback

Yul Servo pushes for resurgence of local film industry
by Rommel Gonzales
Published Feb 19, 2023
Yul Servo
Honey Lacuna-Pangan
Edith Fider
Manila Vice Mayor Yul Servo (right, shown with L-R: Atty. Marlon Lacson, Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, and Edith Fider) at the launching/contract signing for The Manila Film Festival held last February 10 at the Bulwagang Antonio Villegas Manila City Hall.
PHOTO/S: Yul Servo Nieto Facebook page

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manila Vice Mayor Yul Servo sa pirmahan ng kontrata para sa nagbabalik na The Manila Film Festival sa City Hall ng Maynila at kinumusta namin kay VM Yul ang kanyang buhay ngayong bise-alkalde na siya.

Ano ang pinakamalaking pagbabago?

Lahad niya, “Actually, ang malaking pagbabago is nadagdagan lang naman yung pinaglilingkuran ko.

"Dati third district lang, ngayon buong Maynila na. Ang Manila kasi merong eight hundred ninety-six na barangay na nahahati sa anim na distrito.

"E, dati ang hawak ko lang na distrito is one hundred twenty three barangays lang. Ngayon, eight hundred ninety-six, 'tapos anim na distrito na. Yun yung mga dagdag na pagbabago sa responsibilidad ko.

“Kasi yung isang responsibilidad ko bilang lingkod-bayan is legislative. Sa congress, legislative din naman, so isa lang.

"Pero doon, ako yung nagsusulong, ako yung nag-aadbokasiya ng mga bills or mga resolutions.

"Dito naman, ako naman yung nagpe-preside. Dati may speaker kami, di ba? Ngayon ako na yung nandun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isa yun sa malaking pagbabago na nakakatuwa, kasi bukod dun sa mas lumawak yung responsibilidad mo, nadadagdagan naman yung kaalaman mo din.

"Nadadagdagan yung… kung may set ng menu ka ng paglilingkod sa congress, na meron kang DSWD na katuwang, Department of Health, yung guarantee letter, yung DOLE na Tupad, GIP o mga dagdag pangkabuhayan, yun nawala yun.

"Pero pumalit naman dito, meron kaming iba’t ibang departamento dito, na kung sa Congress, di ba meron tayong secretary?

"Dito, may mga director naman na katuwang naman natin sa paglilingkod, at siyempre ang isa din sa napakasuwerte ko rin, very supportive yung mayor ko sa akin, si Ate Honey,” pagtukoy ni Yul sa alkalde ng Maynila na si Honey Lacuna-Pangan.

“Nakasanayan ko kasing… actually, sa kanila ako kasi nagsimula, e.

"Konsehal pa lang ako, 2007, na sa tatay niya, yung tatay niya yung nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapasok sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isa yun sa… ang ganda ng ano… tsaka ngayon yung city council, magkakasama, e. First time lang nangyari sa Maynila na ang isang lokal na partido e maipanalo niya lahat yung slot na yun...

"Na yung history na yun, kasama ako at kasama ako sa panalo, kasama din ako sa pagtatrabaho, na ang dali ng trabaho ngayon. Pag merong hindi pagkakaintindihan… siyempre hindi mawawala yung pagde-debate.

"Maski magkakasama kayo, magkakampi kayo, mas maganda na yung nagde-debate kayo, na pinag-uusapan yung bawat detalye ng ordinansa na sinusulong, nang sa ganun mas mapaganda pa yung ordinansa.

"Kasi yung ordinansa na gagawin hindi lang para sa kokonting tao yun, e. Itong ordinansa na ito, ginagawa para sa bayan, para sa mga mamamayan, na ang susunod yung mamamayan, kaya mas maganda na… alam mo yun, maski magkakasama kayo, walang railroad na nangyayari...

"Yun bang merong mabilisan na hindi naman kasi kailangang patagalin pa, pero meron pa ring ordinansa na dinadaan pa din sa second reading, hanggang third reading, para mas sigurado.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

VICE MAYOR YUL SUPPORTS MANILA FILM FESTIVAL

Dahil abala sa trabaho si Yul ngayon, bakit niya naisipan pang ma-involve sa The Manila Film Festival?

Paliwanag niya, “Kasi ang The Manila Film Festival, siyudad yun, e.

"Isa ako sa parte ng mga officers ng siyudad, na nagkataon e artista. 'Tapos, may artista tayo sa city council, si Lou Veloso na very supportive. 'Tapos, yung boss namin siyempre, si Yorme Isko, artista din, very supportive din.

"Puwede nating gawin, puwede nating buhayin bilang isang artista, hindi lang basta buhayin…

"Makatulong sa industriya, kasi nakakalungkot talaga, nung nakaraan, pag nanonood ka ng sine, konti lang talaga laman ng sinehan.

Dito sa Maynila, bilang gobyerno, isa sa mga magandang sumuporta sa industriya natin ay ang gobyerno.”

Nakatulong din na sa pinakahuling The Manila Film Festival ay kasali ang pelikula nila ni Superstar Nora Aunor na Naglalayag noong 2004.

Pakli niya, “Oo, nag-Best Actor at Best Actress pa kami, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya gusto talagang buhayin ni Yul ang The Manila Film Festival.

Aniya, “Yes, ako naman hindi ko naman kakayanin ‘to, e. Yung idea, maganda yung idea.

“Actually, nabuhayan uli, siyempre hindi naman mabubuo ito kung hindi ako susuportahan ng mayor, kaya nga nakakatuwa nga na…

"Actually, dalawa itong pinaalam ko kay mayor, e. Yung isa, Dragon Boat Festival, sa ilog ng Maynila. Ang ka-tie up naman namin dun ay chief of staff naman ng mayor.”

MANILA FILM FESTIVAL PARTNERS

Sa pagbabalik ng The Manila Film Festival ay katuwang ng gobyerno ng Maynila ang Saranggola Media Productions at si Edith Fider.

Si Ms. Fider ang magbibigay ng grant (at least three hundred thousand pesos) para sa walong mapipiling screenplay na kasama sa The Manila Film Festival.

Ang TMFF ay bukas qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad kolehiyo at senior high school.

Ang deadline ng submission ng screenplay entries sa pamamagitan ng e-mail ay sa Marso 10 sa ganap na 11PM at ipadala sa themanilafilmfesival@gmail.com

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors, June 2 naman ang submission of completed film and teaser, June 3-24, promotion period, June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.

Nasa mediacon din ng The Manila Film Festival (na ginanap noong nakaraang Februray 10 sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall) ang mga direktor na sina Al Tantay at Jay Altarejos na magsisislbi bilang mga mentor ng mga mapipiling kalahok.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Vice Mayor Yul Servo (right, shown with L-R: Atty. Marlon Lacson, Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, and Edith Fider) at the launching/contract signing for The Manila Film Festival held last February 10 at the Bulwagang Antonio Villegas Manila City Hall.
PHOTO/S: Yul Servo Nieto Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results