Kung matatandaan, kasagsagan pa ng pandemic noong taong 2021 nang mag-post ang Sparkle artist na si Abdul Rahman ng kanyang apela para manghingi ng tulong para sa nanay niyang na-ospital dahil sa stroke.
Nasaid daw ang savings niya na talagang wala na siyang mapagkuhanan din ng panggastos at pagpapa-gamot niya sa ina.
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Abdul noong Martes, February 14, sa grand opening ng Artista Salon Lipa Branch sa Sosyal Place, Lipa, Batanggas, nalaman namin na ang co-star at bida ng dating GMA primetime series niya na Legal Wives na si Dennis Trillo pala ang isa sa tumulong sa kanya.
Ayon kay Abdul, “Si Sir Dennis Trillo po ang pinaka-tumulong sa akin.
"Kasi, I mentioned dati na may mga times na parang nagka-heart-to-heart talk kami na kaming dalawa lang, during the taping of Legal Wives.
“And yung mga sinabi ko sa kanya, I really, really wanna be successful. I really want to become someone na kaya kong ipagmalaki sa sarili ko. Ambition lang naman yun dati… but doon ko na-realize na kapag hindi ko na kayang sabihin, that’s when I know na successful na ako.”
At nang mangailangan nga raw siya noong panahon na nagkasakit ang nanay niya, si Dennis ang isa sa nagbigay ng tulong pinansiyal sa kanya.
“I assumed na noong nakita niya po ang post ko, nagpadala po siya agad,” lahad niya.
“Nag-text po siya na, ‘Hi Abdul, how are you? I’m gonna be sending this amount.' Nagpadala po siya. At isang beses lang po ako nag-ask sa kanya sa text.
“It was nung ginamit ko na po ang savings at nagamit na po ang donation sa mom ko for her hospital bills. It was this time na sobrang gipit ako.”
Kahit pangkain daw niya, wala na rin siya. Si Dennis daw ang naisip niyang lapitan.
Sabi pa ni Abdul, “Sabi ko, Kuya Dennis, baka po may extra po kayo diyan, pang-food ko lang. 'Tapos, yun, nagpadala siya just for me. Hanggang ngayon, sobrang thankful pa rin po ako.
“Kasi, kung wala po siya, I think, hindi ko po kinaya yun.
"Right now, hindi ko na po siya masyadong mine-message, kasi nahihiya po ako. Pero kung meron man po akong gustong sabihin sa kanya, sobra-sobrang thankful po ako sa inyo, Sir Dennis.
“I’m really, really proud na nakasama ko po kayo and I’m so happy sa Maria Clara at Ibarra, sobrang galing niyo po.”
ABDUL WISHES TO WORK WITH DENNIS AGAIN
Pangarap daw ni Abdul na mabigyan siyang muli ng pagkakataon na makasama sa isang teleserye sa GMA Networks si Dennis.
Sabi nga niya, “Wish ko po yun and I hope na magka-project po kami ulit together. Sobrang special po sa akin ni Kuya Dennis. Kasi, naging inspiration din po siya sa akin to keep going forward.”
Si Abdul ay mapapanood sa bagong GMA Afternoon Prime na AraBella, kunsaan muli silang magkakatambal ng ka-loveteam na si Shayne Sava.
