Nanawagan sa publiko ang social media influencer na si Yasmin Marie Asistido, o mas kilala bilang Kween Yasmin, na tigilan ang pag-e-edit sa kanyang mga litrato.
Ito'y matapos isumbong ng isa sa kanyang followers ang kumakalat na picture niyang naka-dirty finger.
Read: Kween Yasmin reveals excessive bullying made her drop out of college
Sa pamamagitan ng post sa Facebook nitong Lunes, February 20, 2023, nilinaw ni Kween Yasmin na edited ang kumakalat na litrato niya.
Aniya, totoong siya ang nasa larawan ngunit naka-peace sign daw siya rito, kabaliktaran ng edited picture niyang naka-dirty finger.
Kalakip din ng kanyang post ang screenshot ng pagsusumbong sa kanya ng isang fan at ang orihinal na picture niyang naka-peace sign.
Sumbong ng isang netizen (published as is), "Kween yasmin, hindi na talaga natuto ang mga tao ngayon. Tingnan mo inedit ka na naman nila diyan, diba naka peace sign ka kween? hahahaysssss."
Reply ni Kween Yasmin, "Grabe talaga mga tao naka peace sign ako diyan. Wala na nagawang kundi iedit ng naka bad finger ako. Para lumabas na masama ako sa public.
"Thanks for info po.
"Opo naka peace sign po ako diyan."
Pinaalalahanan din ni Kween Yasmin ang kanyang followers na huwag maniwala at mag-ingat sa mga ganitong insidente.
Mababasa sa kanyang caption, "Paalala: be aware sa mga nageedit kuno ng mga photos ko.
"[N]aka peace sign po ko d[i]yan. Hindi po [a]ko nagpopost ng naka bad finger.
"Naka peace sign po ko dun sa picture na to. So please stop editing my finger.
"At kahit kailanman, hindi ako nagpoposing ng naka bad finger.
"[Please] don't do that anymore. And I thank you."
Sa huli ay nagpasalamat siya sa isa niyang fan na nagsumbong sa kanya.
Saad niya, "By the way, thanks ate Ayessa Jean for informing about this."
Dagdag pa niya, "Take note it's not legit."
Nakilala si Kween Yasmin sa social media dahil sa memes at entertaining "cover songs" niya sa kanyang YouTube channel.
Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang humigit 118,000 subscribers sa YouTube, higit 335,000 followers sa Facebook, 8,413 sa Instagram, at 222,000 naman sa Tiktok.
