Hindi pinalampas ni Albie Casiño ang isang Instagram user na nag-alok sa kanya ng indecent proposal.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, February 21, 2023, ibinahagi ni Albie ang screenshot ng direct message sa kanya ng isang foreigner.
Nagkuwento ang foreigner ng mga bansang napuntahan niya na hindi raw maa-afford ni Albie kaya i-enjoy na lang daw ng aktor ang kanyang mga larawan sa mga naturang bansa.
Sabi pa ng Instagram user kay Albie: “I eat you for breakfast tiny man.”
Mukhang sinakyan lang naman ito ni Albie dahil sinagot pa niya ito, pero hindi na nakita ang kasunod nilang usapan.
Ayon kay Albie, dati na siyang nakakatanggap ng indecent proposals pero kakaiba raw itong bago niyang natanggap.
Caption ng aktor: “WHOAH! I’VE GOTTEN INDECENT PROPOSALS BEFORE BUT THIS ONE IS WILD! @_____ YOU WANNA EAT ME THAT BAD MAN? CHILL BROOO”

Wala pang kasunod na post si Albie ukol sa foreigner na kanyang na-call out.
Hindi na bago sa mga guwapo at seksing aktor ang magbahagi ng mga natatanggap nilang indecent proposals.
Kadalasan ay ipinagkibit-balikat lamang nila ito o kaya ay tuluyang dini-deadma.
