Nagbalik na sa Instagram ang aktres na si Liza Soberano.
Ito'y matapos maalarma ang kanyang fans sa biglaang pagkawala ng lahat ng posts niya sa Instagram at YouTube nitong Martes ng umaga, February 21, 2023.
Hinala tuloy ng kanyang mga tagahanga, na-hack ang verified Instagram account niyang may mahigit 17.6 million followers.
Bukod sa Instagram, nabura rin ang vlogs sa YouTube ni Liza na may 1.55 million subscribers.
Read: Liza Soberano’s Instagram account with almost 18M followers allegedly hacked
Ngunit muling nabuhayan ang kanyang fans, nang mag-post si Liza sa Instagram ngayong Miyerkules, February 22, 2023, ng mga litrato niya kalakip ang animo'y teaser sa kanyang upcoming project.
Read: Liza Soberano reveals moving to California USA for Hollywood dream
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "A flower’s dream.
"I wonder if flowers dream
Do they dream of having wings
Whispers of their flutter, their escape unseen
Imprisoned in a garden;
desire, its lock and key
A cage is a cage—even with a gilded gleam
"Imagine them dancing against the wind
Shedding their petals as they ascend
A journey to the sun, a wish within reach
What a comforting thought this is to me
Dare I dream a flower’s dream."
Ipinost din ito ni Liza sa Instagram Story kalakip ang mensaheng may kailangan abangang "life update" sa kanyang YouTube channel.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung talagang na-hack nga ang Instagram at YouTube account ni Liza.
Read: Confirmed: Liza Soberano stars in her first Hollywood film
Samantala, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang komento ng fans at co-celebrities.
Saad ni Bea Alonzo, "This is beautiful, Hopie!"
Komento ni Inka Magnaye, "Mesmerizing [cry and heart emoji]."
Tatlong puso naman ang comment ng Kapuso actress na si Sofia Pablo.
May ilan din sa fans ang nanghinayang sa mga picture na nabura sa kanyang account.
Tanong ng isang fan, "Bakit dinelete mo po mga picture niyo?"
Sabi ng isa, "It's so sayang yung mga post nawala dahil sa mga walang hiyang hacker, wala naman sila mapapala."
Saad pa ng isa, "Sayang mga memories niyo ni quen sa account mo, makarma sana yung nag hack ng account mo."
Read: Liza Soberano tells how she landed role in Hollywood movie "Lisa Frankenstein"
