Agaw-pansin ang midweek moment nina Victor Consunji at Rachel Carrasco.
Si Victor ay founder ng real estate company na Victor Consunji Development Corp. (VCDC), habang si Rachel ay co-founder ng isang gourmet food and beverage business.
Sa Instagram Story ni Rachel, ibinahagi niya ang video nila ni Victor na magkayakap at panay ang ngitian habang nasa tabing-daan.
Habang nag-uusap ay nakayakap ang kamay ni Rachel sa leeg ni Victor, at si Victor naman ay nakahawak sa baywang ni Rachel.

May isang puntong pareho silang tumingin sa camera, pero hindi dinig kung anuman ang pinag-uusapan nila.
Bahagya pang nag-sway ang dalawa at hindi pansin ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada.
Bukod sa video ay may snapshots din sila na magka-holding hands.
Ang tanging caption ng IG Story ni Rachel ay "Wednesday night" na nagpapahiwatig na bago lamang ang video at photos na ipinost niya.

Ipinost ito ni Rachel nitong Huwebes, February 23, 2023, at nilapatan ng kantang "Into Your Arms" nina Ava Max at Witt Lowry.
Hindi nabanggit kung para saan ang video at photos nila.
Noong December 3, 2022 huling nag-post si Rachel ng litrato nila ni Victor na kuha sa Falaise d'Aval, isang seaside cliff sa northern France.
VICTOR consunji STATEMENT ON SEPARATION WITH MAGGIE WILSON
Sa kabilang banda, patuloy ang banggaan sa pagitan ni Victor at estranged wife na si Maggie Wilson labimpitong (17) buwan mula nang inanunsiyo nila ang kanilang hiwalayan.
Tinawag ni Victor na "harassment" at "bullying" ang pinapakalat daw na impormasyon ni Maggie tungkol sa kanila ni Rachel.
Noong February 10, 2023, ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hiwalay na official statements nina Victor at Rachel.
Inihayag din ni Victor na may mga kasong adultery, cyber libel, at iba pang legal issues na kinahaharap si Maggie, na resulta umano ng sarili nitong "ill-advised judgement and mockery of the law."
Tinawag din ni Victor na "fugitive" si Maggie dahil hindi raw nito hinaharap ang patung-patong na "arrest warrant" na naghihintay rito.
Diin pa ni Victor, dahil sa "malicious online attacks" ni Maggie na gumugulo sa kanya, sa anak nila ni Maggie, at pati na kay Rachel, desidido raw siyang ipatupad ang prenuptial agreement nila ni Maggie.
RACHEL CARRASCO STATEMENT ON MAGGIE WILSON'S POSTS ABOUT HER
Sa hiwalay na statement ni Rachel, na naiulat din noong February 10, umalma rin siya sa aniya'y mga patutsada sa social media ni Maggie sa kanya at sa unborn daughter niya.
Aniya, "As these instigated attacks persist, whether direct or indirect, I will have no hesitation to seek further legal action to ensure their safety and privacy."
Payo pa ni Rachel, idaan na ni Maggie sa proper legal forum kung anuman ang reklamo nito at harapin na rin ang mga arrest warrant ng pulisya.
