PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marcos Jr. Quiz: Presidents' Foreign Trips

President Marcos Jr. promises to cut back on foreign trips after logging 10 trips in 8 months. But he is slated to go to Indonesia and U.S. within 2023, and to France before the first half of the year .
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 23, 2023
Marcos Jr. described as president with so many foreign trips
President Ferdinand Marcos Jr. (left) and the Philippines were referenced in an episode of the American game show Jeopardy!
PHOTO/S: Bongbong Marcos Facebook/ Screengrab @Jeopardy! YouTube

Naging tampok si Philippine President Ferdinand Marcos Jr. sa American game show na Jeopardy! nitong Martes, February 21, 2023.

Sa kategoryang "Current World Leaders" ng long-running game show, pinahula sa tatlong contestants kung anong bansa ang may Pangulong nagsilbi nito lamang 2022 ngunit nagkaroon na ng maraming foreign trips kaya nababansagang "Ferdinand Magellan Jr."

Si Ferdinand Magellan ay isang Portuguese explorer na itinuturing na nakadiskubre ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran tungo sa Asya at nakapaglibot sa halos buong mundo.

Bagamat nasawi siya laban sa puwersa ni Lapu-Lapu sa pulo ng Mactan, Cebu, labing-walo (18) sa kanyang mga tripulante at isa niyang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522.

Nakasaad sa tanong sa Jeopardy!: “In the Office from 2022, the president of this country has taken so many foreign trips. A play on his name is ‘Ferdinand Magellan Jr.’”

Sa tatlong contestants ay isa lamang ang nakakuha ng tamang kasagutan: "What are the Philippines?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jeopardy!

Kinumpirma ng host na si Mayim Bialik na tama ang sagot ng contestant.

Saad niya: "What are the Philippines? That is correct! Ferdinand Marcos Jr., also known as Bongbong."

Sampung foreign trips na ang naitala ni Bongbong Marcos mula nang umupong Pangulo ng Pilipinas noong June 30, 2022.

Read: Ferdinand Marcos Jr. takes oath of office on this restored Holy Bible Marcos Sr. was sworn in

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa loob ng walong (8) buwan, ang siyam (9) na napuntahan niyang mga bansa ay: Indonesia, Singapore, United States, Cambodia, Thailand, Belgium, China, Switzerland, at Japan.

Nakadalawang punta siya sa Singapore, kaya naging 10 ang bilang ng kanyang biyahe mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero 2023.

Read: Dawn Zulueta, binabatikos dahil kasama sa entourage ng Pangulo sa Switzerland; mga tagasuporta, ipinagtanggol ang aktres

Dahil dito, may ilang kumukuwestiyon sa kanyang madalas na pangingibang bansa.

Giit ng Malacañang, ang foreign trips ni Pangulong Marcos Jr. ay may kinalaman sa pag-generate ng foreign investments at trabaho para sa mga Pinoy.

Read: President Ferdinand Marcos Jr., nanood ng concert ni Eric Clapton sa Madison Square Garden

Sinabi naman mismo ng Pangulo na hindi na bago ang pagpuna sa kanyang mga biyahe, dahil ang sariling ina, ang dating First Lady Imelda Marcos, ay pinansin din daw ang madalas na foreign trips.

Saad ni Marcos Jr.: "It’s traveling too much. That’s already the end of January. I’m going to China on the third. Parang… like my mom says, ‘Kailan ka nag-oopisina?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa report ng ABS-CBN ng January 23, 2023, sinabi ng Pangulo na babawasan na niya ang kanyang foreign trips ngayong 2023.

Ngunit wala pang isang buwan matapos niyang ikuwento ang pag-uusisa ng inang si Imelda, lumipad naman si Bongbong patungong Switzerland.

Kelangan din daw kasi niyang mabilis na mabalikan ang mga nakausap na world leaders sa mga nagdaang biyahe.

Pahayag niya sa ABS-CBN: "Iyong mga biyahe medyo babawasan na namin for the rest of the year. Kailangan namin balikan lahat itong mga nasimulan sa ASEAN, sa APEC, sa China, sa EU, sa Brussels, pati sa Davos. Kailangan namin idetalye yung aming napag-usapan. Hindi pa namin nagagawa dahil busy kami, biyahe kami nang biyahe."

Ayon sa Rappler, laking pagtatanggol ng Department of Trade and Industry sa foreign trips ng Pangulo. Ito ay matapos maglabas ang DTI ng statement na nagsabing, dahil sa mga biyahe, na-secure ng gobyerno ang halos kalahati ng target nitong investments para sa buong taon, at sa loob lamang ng anim na linggo.

Inanunsiyo rin ng DTI, matapos bumalik ang Pangulo mula Japan, na malamang ay maabot na ng DTI ang kanyang "P1 trillion investment approvals target for 2023."

Nga lang, sa pagrepaso rin ng Rappler, hanggang sa dulo ng Pebrero 2023 ay wala pa ring naisasarang investments. Ang mga sinasabing pledges ay hanggang promiso pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng pahayag nitong babawasan ang foreign trips, nakatakdang magtungo si Pangulong Marcos Jr. sa France, Indonesia, at U.S. sa mga parating na buwan.

Naungkat ng Rappler ang pangako ng Pangulo na ire-release ang listahan ng gastos ng kanyang mga biyahe, ngunit matapos ng 10 foreign trips, wala pang lumalabas na expense report.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Ferdinand Marcos Jr. (left) and the Philippines were referenced in an episode of the American game show Jeopardy!
PHOTO/S: Bongbong Marcos Facebook/ Screengrab @Jeopardy! YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results