Marami ang nakatutok ngayon sa imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay sa Chinese social media influencer at trendsetter na si Abby Choi sa Hong Kong, China.
Read: Hong Kong socialite Abby Choi, 28, karumal-dumal na pinatay, kinatay
Nadiskubre ang karima-rimarim na pagpaslang sa modelo matapos matagpuan ang kanyang pira-pirasong katawan sa refrigerator at maging sa ginawang sopas.
Ang itinuturong salarin sa pagkamatay ng 28-year-old influencer ay ang kanyang ex-husband na si Alex Kwong, kasabwat ang kuya nitong si Anthony Kwong, at mga magulang nila na sina Kwong Kau at Jenny Li.
Ayon sa mga ulat, ang itinuturong dahilan ay “financial dispute” sa pagitan niya at ng pamilya ng ex-husband.
Nasa kustodya na ng mga pulis ang mga suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa krimen, pati na rin ang paghahanap sa ulo, torso, at mga kamay ng biktima.
Marami ang naintriga sa kung sino si Abby Choi.
ABBY CHOI IS INTO FASHION
Ang Instagram feed niya, na sinusubaybayan ng mahigit 100,000 followers, ay fashionably curated, tampok ang luxury products gaya ng Dior, Gucci, Louis Vuitton, Fendi, Chanel, at iba pang kilalang designer brands.
Nasa front-row seat din siya ng mga fashion shows sa iba't ibang fashion capital cities sa mundo, at nakakadaupang-palad ang mga designers, gaya nina Zuhair Murad at Giambattista Valli.


Isang linggo lang ang nakakaraan ay naglabas siya ng Instagram Reel tungkol sa recent trip niya sa Paris, kunsaan naroon ang influencer sa fashion show ng Dior.
ABBY CHOI AS A COVER GIRL
This February, siya ang nasa digital cover ng L’Officiel Monaco, na nagbansag sa kanyang style icon.

Regular din siyang itinatampok sa international lifestyle magazines tulad ng Vogue, Harper's Bazaar, at Elle.

ABBY CHOI'S FAVORITES
Base sa Instagram feed niya, paborito niya ang kulay pink.
Marami rin siyang posts about the Lady Dior Bag, na pinasikat ni Princess Diana noong dalhin niya ito sa MET Gala noong 1996.
In fact, ang bag na ito ang first post ni Abby noong July 11, 2012, ang araw ng kanyang birthday.
ABBY CHOI IS A MOTHER OF FOUR
Siya ay naiulat na ikinasal noong 2016 kay Chris Tam, anak ng founder ng Tam Jai International, na naga-advertise sa sarili bilang "fast-casual restaurant chain" sa Hong Kong, at may branches din sa mainland China at Singapore. At that time, si Abby ay edad 21.
Siya ay may dalawang anak—isang babae at isang lalaki—sa kanyang ex-husband na si Alex Kwong, na pinakasalan niya nung siya ay 18.
Si Alex ngayon ang main suspect sa pagpatay kay Abby.
May dalawang anak din sina Abby at Chris.
Base sa imbestigasyon, noong February 21, ang sinasabing araw ng pagpatay kay Abby, susunduin sana ni Abby sa Hong Kong Science Park ang anak na babae.
