PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Edu Manzano: Luis can handle legal fight

Edu Manzano: "I do not want to spoonfeed my child."
by Melba R. Llanera
Published Feb 27, 2023
Edu Manzano and son Luis Manzano
Edu Manzano on son Luis Manzano being sued for multiple estafa complaints: "Kung anuman ang nangyari sa kanilang magkasosyo, e, that is something that we will find out after the lawyers and the investigation have been conducted." The veteran actor also says he trusts Luis to handle the matter without his interference, "Kasama na yan sa paglaki. Minsan nakangiti ka, minsan mabubugbog ka. Ang pinakaimportante ay yung babangon ka uli."
PHOTO/S: Noel Orsal / Screengrab from @jessymendiola Instagram

Siniguro ni Edu Manzano na haharapin ng anak na si Luis Manzano ang reklamong kinahaharap nito ngayon.

Pebrero 7, 2023 unang nag-isyu ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Luis.

Na-reset noong Pebrero 20 ang schedule ng pagharap ni Luis sa NBI matapos itong humingi ng palugit para sa mga karagdagang dokumento.

Kaugnay ito ng humigit-kumulang limampung katao na naghain reklamong estafa laban kay Luis Manzano at mga kasosyo ng TV host sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Nakapanayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa premiere night ng Oras de Peligro, na ginanap sa Cinema 1 ng SM Megamall noong February 23.

"I think he already said he will," paniniguro ni Edu tungkol sa pagharap ni Luis sa isyu.

Kumpiyansa si Edu na malalampasan din ng anak ang kalbaryong kinahaharap nito.

Aniya, "Sigurado yan, no doubt about it. Yan ang tinuro ng lolo ko sa tatay ko. Tinuro ng tatay ko sa akin at ganyan din ang tinuturo ko sa mga anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Edu, tiwala siya sa lakas ng loob ng anak sa kabila ng pagsubok.

"Alam niyo mas mahirap pa ang tumagal sa showbiz. He's been in the business for how many years and he survived.

"Besides, like I've said, he already tried to explain his case, but mabuti na nasa kamay ng mga abugado so less said, the better.

"Nag-uusap kami, but I don't need to defend him. Matanda na yun, e. He's his own man."

Idiniin din ni Edu na mas mabuting sa proper legal forum pag-usapan ang merits ng reklamo laban sa anak.

"Kung anuman ang nangyari sa kanilang magkasosyo, e, that is something that we will find out after the lawyers and the investigation have been conducted," paliwanag ni Edu.

Hindi raw para kay Edu na magbigay ng payo kay Luis.

"Hindi, ayoko, bakit naman siya magko-confide sa akin, e, wala naman akong kaalam-alam sa negosyo na yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"What he needs is get a lawyer, a trusted lawyer.

"Other than that, anybody else opens their mouth, hindi di nakakatulong sa kaso niya."

Nang hingan ng reaksiyon tungkol sa aspetong ang kasosyo ni Luis sa negosyo ay best man nito sa kasal, sagot ni Edu, "Sadly not everything turns into good wine."

HOW EDU AND VILMA ARE HANDLING SON'S PROBLEM

Tinanong din si Edu kung nakapag-usap sila ng ex-wife na si Vilma Santos tungkol sa problemang kinahaharap ng anak nilang si Luis.

Sagot ni Edu, "Noon. But like I've said, I do not want to spoonfeed my child.

"Kasama na yan sa paglaki. Minsan nakangiti ka, minsan mabubugbog ka. Ang pinakaimportante ay yung babangon ka uli."

Una nang naghayag ng suporta kay Luis ang ina nito na si Vilma Santos.

Sa 60th anniversary special ni Vilma sa ABS-CBN, hindi nito napigilang mapaluha nang mapag-usapan ang reklamong estafa na sinampa laban kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umapela ang Star For All Seasons na mabuting tao ang anak at wag sana itong husgahan ng ibang tao sa gitna ng problema nito.

READ: Vilma Santos breaks down when asked about son Luis Manzano's investment issue

Sabi naman ni Edu: "Di na kailangang sabihin yun. Alam na ng tao yun that he's [Luis] a good man. He wouldn't have been in this industry this long if he's not a a good man.

"Siyempre, sinong di maapektuhan?

"But like I've said, I don't need to defend my son. He's over forty years old."

LUIS MANZANO'S OFFICIAL STATEMENT

Taong 2020 nang umupo si Luis bilang Chairman of the Board sa Flex Fuel, habang ang business partner niyang si Ildefonso “Bong” Medel ang Chief Executive Officer.

Base ito sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na malapit kay Luis.

Sinabi ng source na si Medel ay childhood friend at best man sa kasal nina Luis at Jessy Mendiola noong February 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Luis Manzano in hot water over investment issue involving "childhood friend"

Sa official statement ng kampo ni Luis noong January 31, 2023, naiulat na noong November 2022 ay nakipag-ugnayan ang TV actor sa NBI tungkol sa isyu.

Humingi ng tulong si Luis sa NBI para imbestigahan si Medel at ang Flex Fuel.

Noong December 21, 2022, nagsumite raw si Luis ng affidavit na nagsasabing si Medel ang nagtalaga sa kanya bilang chairman ng Flex Fuel bilang garantiya sa kanyang investment sa kumpanya.

Pero hindi umano involved si Luis sa pagpapatakbo ng Flex Fuel.

Nagbitiw umano si Luis sa kanyang puwesto bilang chairman ng Flex Fuel noong February 2022. Dumistansya rin daw siya sa ibang negosyo nila ni Medel.

Sinasabing may utang si Medel kay Luis na PHP66 million.

READ: Luis Manzano seeks NBI's help to investigate Flex Fuel Corporation

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edu Manzano on son Luis Manzano being sued for multiple estafa complaints: "Kung anuman ang nangyari sa kanilang magkasosyo, e, that is something that we will find out after the lawyers and the investigation have been conducted." The veteran actor also says he trusts Luis to handle the matter without his interference, "Kasama na yan sa paglaki. Minsan nakangiti ka, minsan mabubugbog ka. Ang pinakaimportante ay yung babangon ka uli."
PHOTO/S: Noel Orsal / Screengrab from @jessymendiola Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results