"Feeling thankful and blessed."
Ganito ilarawan ni Arra San Agustin ang kanyang nararamdaman na mapabilang sa bagong mega serye ng GMA-7, ang Mga Lihim ni Urduja.
Malaking bagay raw na patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng GMA sa galing at talento na kaya pa niyang ipamalas upang magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.
"Siyempre isang malaking karangalan po na mapabilang po ako dito.
"Bago po itong Mga Lihim ni Urduja, iyon pong Lolong din isa pong malaking proyekto rin.
"Kaya po nagpapasalamat ako sa GMA, kasi po nagtitiwala pa rin po sila sa akin," ani Arra.
Nakapanayam si Arra sa mediacon ng Mga Lihim ni Urduja noong February 15, 2023.
Kalakip nito, hindi niya maitatangi na nakakaramdam siya ng pressure dahil ang papalitan ng show ay ang top-rating Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra na nagwakas na noong Biyernes, February 25, 2023.
Read: Julie Anne San Jose applauds leading man Dennis Trillo’s finale performance in Maria Clara at Ibarra
"Siyempre po meron pong pressure, kasi papalitan namin yung MCAI [Maria Clara at Ibarra].
"Pero ganon pa man, nagtitiwala po kami sa isa't isa. Nagtitiwala po kami sa director namin, sa production namin," sabi ni Arra.
Naniniwala ang Kapuso actress na normal lang na makaramdam ng pressure lalo na't ang Maria Clara at Ibarra ay isa sa mga maituturing na successful teleserye sa Kapuso primetime.
Read: Julie Anne San Jose bids farewell to Maria Clara at Ibarra
Read: Huling episode ni Dennis Trillo sa Maria Clara at Ibarra, trending na, panalo pa sa ratings
Malaki rin daw ang tiwala niya sa kanilang produksyon kaya't panatag siya na maganda ang kalalabasan ng kanilang serye.
Ani Arra, "Alam ko po na magiging maganda po itong aming programa.
"Okay naman po na magkaroon ng pressure, kasi alam mo na we care.
"Alam mo na gusto naming pagandahin ito."
Sa huli, pinasalamatan ni Arra ang mga director at production team ng Mga Lihim ni Urduja na binigyan daw sila ng kalayaan para iexplore pa ang kani-kanilang character.
Saad niya, "Itong team na ito, nakakatuwa kasi very collaborative, very open sila sa mga suggestions po naming mga aktor.
"Iniitindi po nila kami, masasabi ko pong may creative freedom po kami dito.
"Malaking bagay po iyon sa aming mga artista."
Gaganap si Arra bilang Valencia, isa sa miyembro ng "Bounty Hunters," ang grupong makakatunggali ng mga bidang sina Kylie Padilla (Gemma) at Gabbi Garcia (Crystal) sa paghahanap sa mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez).
Read: Kylie Padilla, inusisa tungkol sa Valentine's Day post ni Aljur Abrenica kasama si AJ Raval
THE MAKING of ang MGA LIHIM NI URDUJA
Proud na ibinahagi ng direktor ng Mga Lihim ni Urduja na si Jorron Lee Monroy na kayang-kayang makipagsabayan ng kanilang serye sa international films na kadalasang tinatangkilik ng mga Pilipino.
Aniya, ginamitan ng mga bagong teknolohiya ang pag-shoot sa show na tiyak daw na kabibiliban ng mga manonood.
Sabi ni Direk Jorron, "In this project, we're also introducing new technology in filmmaking. So, nagsimula yon na nakuwento ko lang na baka magandang gawing graphic novel yung mundo ni Urduja.
"Then yung executive producer namin, si Miss Mona Mayuga, introduced this new technology na naririnig ko na ito meron siya sa Hollywood and she made it happen.
"We're putting a virtual world for you guys, na never been done in the country.
"So, nandun yung mindset nung buong grupong ito, nung produksyon, nung Network actually.
"GMA is now putting forward the creativity and artistry of its talents rather than just quantity."
Para naman sa associate director nitong si Ralfh Malabunga, ang Mga Lihim ni Urduja ang isa sa maituturing nilang "most innovative series of GMA ever produced."
Saad niya, "Gusto kong tawagin kasi itong serye na ito na isa siya sa "most innovative series of GMA ever produced."
"So, with the introduction of the new technology na gagamitin namin sa mundo ni Urduja, na ikagugulat at ikamamangha ng lahat, gusto kong sagutin na: yes, big-budgeted siya.
"Pero gusto kong sabihin na we've done this creatively na magiging proud kami sa mga sarili namin."
Mapapanuod ang Mga Lihim ni Urduja simula ngayong Lunes, February 27, 2023, pagkatapos ng 24 Oras.
READ MORE:
- Zoren Legaspi proud of Mga Lihim ni Urduja: "Hindi sila nagtipid sa project na ito."
- Sunshine Dizon on her GMA-7 comeback: "I'm free to work with anyone I want to."
- Vin Abrenica calls wife Sophie Albert his "best friend"; gears up for new role in GMA-7
- Michelle Dee, Valentine's Day gift sa supporters ang pagsali muli sa Miss Universe Philippines
