PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ina Raymundo: Young Star's Bad Manners

Ina Raymundo: "Pero sana, nagbago na siya..."
by Jerry Olea
Published Feb 27, 2023
Ina Raymundo
Ina Raymundo on unnamed young star who smoked inside a small room: "Talagang alam mo yun, nakaka-shock na hindi ba niya alam na nasu-suffocate kami sa yosi niya? Pero walang gustong magsabi sa kanya. Nagyoyosi siya sa isang maliit na room, na walang bintana, may mga bata. Yosi siya, wala siyang pakialam."
PHOTO/S: Jerry Olea

Umaming naka-encounter si Ina Raymundo, 47, ng young star na may attitude o yung pasaway sa set.

“Siyempre hindi ko talaga papangalanan!” bulalas ng premyadong aktres.

Nakapanayam si Ina sa mediacon ng pelikulang Pieta nitong Pebrero 26, Linggo, sa Windmills and Rainforest, Sct. Borromeo St., Quezon City.

“Pero baka ma-realize niya, siya yun. Ah, basta ano siya, nagyoyosi siya. Nasa isang maliit kami na room na walang bintana, tapos nagyoyosi siya sa loob.

“May mga bata. As in, siksikan kami sa room, nagyoyosi siya sa loob.

"Talagang alam mo yun, nakaka-shock na hindi ba niya alam na nasu-suffocate kami sa yosi niya? Pero walang gustong magsabi sa kanya."

Hindi raw talaga naging sensitibo ang young star sa mga kasama sa kuwarto.

Dagdag ni Ina: “E, may asthma ako, so tumatak talaga sa akin yun dahil na-torture ako dahil nagyoyosi siya sa isang maliit na room, na walang bintana, may mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro sa maliit na room na yun, mga walo kami, o sampu. Yosi siya, wala siyang pakialam.

"Yun lang, so medyo nakaka-turn off.”

Ayaw sanang ibuking ni Ina kung aktor o aktres ba iyon.

Hirit ni Ina, “I can’t say, I can’t. Ano na lang, genderless. Pero sana, nagbago na siya. Kasi that’s bad for her health.”

READ: Taxi driver laking-gulat nang si Ina Raymundo ang tumanggap ng isinauling cellphone

NO PROBLEM WORKING WITH SENIOR STARS

May nakaengkuwentro na ba naman siyang senior star na nag-attitude, pasaway, o nag-primadonna sa kanya?

Mabilis na tugon ni Ina, “Wala. Ako, wala. Lahat sila, mababait. And, siyempre siguro, you have to know your place.

“Number one po talaga yung, ‘Ako po si Ina…’ Ikaw talaga yung unang maggi-greet, ikaw yung maggi-give ng respect sa mga seniors. SOP yan, di ba?

“So, wala akong naging problema sa mga seniors. Lahat sila, adorable. Ang sarap nilang makatrabaho, sa totoo lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga young stars, talagang may problema?

“Hindi naman. Fortunately, mas maraming mababait. Bibihira lang talaga yung mapapakamot ka na lang ng ulo na, ‘WOW!’"

Pag-ulit niya, "Bihira lang naman."

First time na nagbida ni Ina sa pelikulang Sabado Nights (1996) na nagtampok din kina Pia Pilapil at Michelle Parton.

Pasabog ang kanyang Burlesk Queen Ngayon (1999), at sa Tuhog (2001) ay naging best actress siya sa 18th PMPC Star Awards for Movies.

Ano ang maipapayo niya sa mga baguhang sexy stars upang magtagal din sila sa industriya ng pelikula o telebisyon?

“You take good care of yourself para healthy ka palagi. Parang anytime you’re on the go, you’re prepared,” saad ni Ina.

“You’re ready to do whatever you want to do in life. So, siyempre, dapat andun din yun passion nga for the arts, for the art of acting.

“And, of course, important din yung marunong kang makisama, na yung tipong like si Direk Adolf [Alix Jr.], kahit na saglit lang naman yung mga projects namin…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero alam mo yun, andun talaga yung mutual respect. Kaya eto, meron kaming work ngayon. So yun nga, don’t burn bridges.

“And dapat talaga, maging prepared. And dapat talaga, andun pa rin yung love of acting.”

INA ON power-house cast of pieta

Excited si Ina nang mapasama sa formidable cast ng pelikulang Pieta, na ididirek ni Adolf Alix Jr.

Bida rito si National Artist Nora Aunor, at kabilang din sina Alfred Vargas, Gina Alajar, Jaclyn Jose, at Bembol Roco.

Nasa cast din ng Pieta sina Angeli Bayani at Tommy Alejandrino.

"Nung kinuha ko itong project na ito, ang alam ko nga, ang kasama ko dito is Nora Aunor saka si Alfred,” lahad ni Ina.

“Hindi ko alam na nandito rin pala si Direk Gina Alajar, si Jaclyn Jose… Omigosh! Wish ko lang, kaeksena ko sila. Ha! Ha! Ha!

“Kasi ang role ko dito, maliit lang pero very important yung role ko. Kasama ako sa past ni Isaac, ni Alfred."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalong namangha si Ina nang malaman ang iba pang cast members.

“Kaya sobrang WOW! Tapos si Sir Bembol Roco! Kaya ngayon ko lang nalaman talaga yung complete na cast. Talagang mapapanganga ka lang na WOW! WOW!

“Tapos si Direk Adolf pa, isa sa paborito kong direktor. Alam mo yan, Direk Adolf. Kasi si Direk, hindi ako nakakalimutan niyan.

“Lagi niya akong isinasama pag makakaya niya sa project niya. So exciting, very exciting. Kaya I’m thankful na nakasama ako sa movie na ito.”

INA RAYMUNDO's BEAUTY SECRET

Lima na ang mga anak ni Ina pero ang gandara pa rin niya, mukha pa ring bata.

Anong beauty secret ang puwede niyang ma-share?

Napangiti si Ina, “Siyempre, healthy lifestyle. I watch what I eat pero, siyempre, I still eat junk food but not every day.

“I work out regularly. I sleep the right amount of hours. Hindi oversleeping and hindi naman kulang sa tulog, so 7 to 8 hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta I drink lots of water. Wala akong bisyo."

Inaalagaan daw talaga niya ang sarili at binibigyan ng prayoridad ang kanyang health.

“Because I want to feel good. I don’t want to feel out of breath kapag umaakyat ako sa hagdan.

"Alam mo yun, yung tipong I just wanna feel healthy—kaya yun ang goal ko.

"Siyempre, secondary na yun na kapag name-maintain mo yung tamang weight mo para sa height mo, alam mo yun… mas nag-slow down ang aging.

"My goal is not to freeze my age, but I just want to slow down the process, so I take good care of myself.”

Read more stories on PEP.ph:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ina Raymundo on unnamed young star who smoked inside a small room: "Talagang alam mo yun, nakaka-shock na hindi ba niya alam na nasu-suffocate kami sa yosi niya? Pero walang gustong magsabi sa kanya. Nagyoyosi siya sa isang maliit na room, na walang bintana, may mga bata. Yosi siya, wala siyang pakialam."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results