PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bembol Roco Comments on Son's Arrest

Bembol Roco on son Dominic arrest
by Jerry Olea
Published Feb 28, 2023
Bembol Roco and son Dominic Roco
Bembol Roco on reports about son Dominic being caught in a drug buy-bust operation in October: “E, sangkot nga siya… gumagamit siya. Pero hindi siya nagtutulak. No way!" The veteran actor also speaks about how he guides his children as well as his own shortcomings when he was in his younger years.
PHOTO/S: Jerry Olea / I'm Drunk, I Love You poster

Nagsalita na si Bembol Roco tungkol sa pagkakasangkot ng anak niyang si Dominic Roco sa isang buy-bust operation.

Napabalita noong Oktubre 1, 2022 na kabilang ang anak niyang si Dominic sa limang kataong inaresto ng awtoridad sa isang townhouse sa Quezon City.

Nahulihan umano ang grupo ng 15 gramo ng shabu na may halagang PHP112,000 at 10 gramo ng hinihinalang marijuana."

Aminado si Bembol na hindi siya nagpainterbyu tungkol sa isyu noong panahong iyon.

Aniya, "What for? Wala namang maitutulong ang press, e. Unang-una, di ba, bira sila nang bira, hindi naman nila inaalam ang facts.

"I didn’t see any reason why I would give any interviews to the press."

Ano ang naramdaman niya noong panahong iyon?

Mabilis na tugon ni Bembol, “Anger, of course. Di ba? It’s very unfair.”

Nakausap daw ni Bembol si Dominic tungkol sa pagkakasangkot nito sa insidente.

“E sangkot nga siya… gumagamit siya. Pero hindi siya nagtutulak. No way!" pagdidiin ni Bembol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw sumailalim sa rehab si Dominic, pero may officer na nagmo-monitor sa anak niya. Binabantayan din daw si Dominic ng nanay nito.

Ano ang ipinayo niya kay Dominic?

"Na mag-iingat ka sa mga kinakaibigan… katulad nga niyang nangyari, di ba? Dahil sa hindi pag-iingat yun."

Umaasa si Bembol na makabalik din sa trabaho si Dominic sa kabila nang kinasangkutang isyu.

“As soon as he can, di ba? I don’t know how, di ba? Yeah, sure, why not?”

Nakapanayam si Bembol sa mediacon ng Pieta nitong Pebrero 26, Linggo, sa Windmills and Rainforest sa Sct. Borromeo St., Quezon City.

BEMBOL'S RELATIONSHIP WITH SONS DOMINIC AND FELIX

Ayon kay Bembol, maayos ang relasyon niya sa mga anak na sina Dominic at Felix Roco.

Walong taon na rin ang nakalipas mula nang maganap ang reconciliation sa pagitan ng mag-aama.

May ilang taon din kasing hindi nakakausap ni Bembol ang mga anak dahil sa pagkakaroon ng ibang pamilya ng beteranong aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naiulat noong 2012 na dalawang taong hindi nakakausap nina Dominic at Felix ang ama, at noong 2015 lamang sila nagkaroon ng reconciliation.

“Naayos ko na ang problema ko sa mga anak ko. A, medyo matagal-tagal na, kaya wala akong problema sa mga anak ko,” sambit ni Bembol.

Bilang magulang, pinapaalalahan naman daw niya ang mga anak.

“Ang struggles actually, yung environment na pinapasukan nila. A, wala kasing kontrol ang magulang sa ganun, e,” saad ni Bembol.

“So, kung papaano mo kausapin ang mga anak mo tungkol sa mga bagay-bagay ang importante sa tingin ko, di ba?

"At kung ano ang dapat gawin sa mga bagay na mga… hindi magandang ginagawa ng mga kabataan ngayon. Na mag-ingat lang sila.”

Trenta y tres (33) anyos na sina Dominic at Felix. Pero hindi raw maaalis ang mag-alala siya para sa mga anak.

"Ang kinakatakutan ko para sa mga anak kong mga lalaki na walang asawa lahat, iyong apat, ang mapasok sila sa isang gulo na hindi nila inaasahan, o mapasama sa hindi magagandang mga karakter na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sa akin, piliin nyong maigi ang mga kinakaibigan niyo.

"At siguradong maraming papasok sa buhay nyo na nakiki-kaibigan lang at may iba pang pakay."

Lumuha na siya dahil sa kanyang mga anak?

“Oo naman. Oo naman. For many reasons and for many times,” pag-amin ng beteranong aktor.

Strikto ba siyang ama?

Sagot ni Bembol, "I was strict for a while, di ba? Pero habang tumatanda sila, nag-iba rin ang aking pamamaraan sa pakikitungo sa kanila,” sabi ni Bembol.

Nagkulang ba siya sa paggabay o pagpapayo sa mga anak?

Aniya, "Masasabi kong hindi nga ako nagkulang."

ON BEMBOL'S OWN SHORTCOMINGS

Naniniwala ba si Bembol sa kasabihan na kung ano ang ginawa mo sa magulang mo, gagawin din sa iyo ng anak mo?

“Sensitibo sa akin ang tanong na iyan, e," sagot ni Bembol.

Aminado raw siya na nahirapan ang mga magulang niya sa pagpapalaki sa kanya noon.

"Salbahe akong bata. Salbahe ako sa mga magulang ko nung kabataan ko,” pag-amin pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang pahirap ang ibinigay ko sa kanila, at alam ko yun. At nasabi ko sa kanila yun at nakahingi ako ng patawad sa lahat ng mga karantaduhang ginawa ko."

Pero hindi raw ibig sabihin ay mauulit iyon sa kanyang mga anak.

Paliwanag niya: "Hindi totoo yung kung ano ang ginawa ko sa magulang ko, gagawin ng mga anak ko sa akin.

“Hindi ginawa ng mga anak ko! Malayo sa mga katarantaduhang ginawa ko noong kabataan ko. So para sa akin, hindi totoo yun."

Pinagsisihan daw niya ang mga kalokohan at bisyong pinasok niya noon.

Sabi ni Bembol, "Wala naman na ako magawa. Ibig sabihin, nung kabataan e… natiyempo siguro ako sa tira ng droga, ng kalokohan, ng barkada.

"At yun ang aking pinasok, at yun ang naging sakit ng ulo ng mga magulang ko."

Ano ba ang pinakamatindi niyang kasalanan sa kanyang magulang?

“Napakarami at napakamalulupit na ibinigay ko sa kanila," saad ni Bembol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasalamat na lang daw siya at nagkaroon siya ng pagkakataong humingi ng tawad sa mga magulang, partikular na sa kanyang ina.

"Matagal na rin… Bumalik ako sa kanya, 2006, at nagsisimula na yung Alzheimer’s niya at the time,” pagsisiwalat ni Bembol.

"At hanggang huling hininga niya, andun ako sa tabi niya. Kinausap ko silang personal, di ba?

"Sinabi ko na hindi totoo yung mga paratang ko nung kabataan na hindi ako mahal et cetera, et cetera."

Lumayo raw ang loob niya sa mga magulang dahil sa pag-aakalang hindi siya mahal ng mga ito.

Napagtanto raw ni Bembol, "Hindi totoo yun. Dala lang yun ng paggamit ng kung ano man, di ba?

"At humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga masasamang ginawa ko.

“Dahil alam kong talagang naghirap sila sa akin."

Read more stories on PEP.ph:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bembol Roco on reports about son Dominic being caught in a drug buy-bust operation in October: “E, sangkot nga siya… gumagamit siya. Pero hindi siya nagtutulak. No way!" The veteran actor also speaks about how he guides his children as well as his own shortcomings when he was in his younger years.
PHOTO/S: Jerry Olea / I'm Drunk, I Love You poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results