Pinatunayan ng magkasintahang Edu Manzano, 67, at Cherry Pie Picache, 52, na going strong ang kanilang relasyon.
Full support si Edu kay Cherry Pie sa premiere night ng Oras de Peligro, kunsaan isa sa cast members ang beteranang aktres.
Marami ang sumusubaybay sa relasyong Cherry Pie at Edu, na nakilala sa uniname na PieDu.
Nag-alala ang supporters nila nang may ilang buwan din silang walang paramdam sa social media noong huling bahagi ng 2022.
December 2022 nang muli silang nakitang magkasama.
Read: Cherry Pie Picache, Edu Manzano dispel breakup rumor through sweet photos
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binahagi ni Edu na naging abala sila ni Cherry Pie sa kani-kanilang mga trabaho kaya hindi sila gaanong nagkakasama noon.
"I've been shooting since September kasi. Di pa kami tapos. Halos every day ang taping namin, so di ako nakalalabas.
"Now, si Pie naman ngayon is busy with Batang Quiapo, the more we won't be able to see each other."
Ang Batang Quiapo ay ang ongoing Kapamilya prime-time series tampok sina Coco Martin at Lovi Poe.
Patuloy ni Edu tungkol sa di nila pagkikita ni Cherry Pie, "Kasi hanggang di natatapos ang isang ginagawa mo, ganun ang mangyayari."
Pero ulit niya, all is well between them.
Ang malalim na pundasyon ng kanilang pagkakaibigan para kay Edu ang nagpapatatag ng kanilang relasyon.
"Sixty seven na ako. What kind of relationship do you want?
"But you cannot deny the fact na matagal ko na siyang kaibigan for the past forty years, so we're good friends."
Kitang-kita ang saya ni Cherry Pie dahil kasama niya sa event ang dalawang espesyal na lalaki sa kanyang buhay: ang anak na si Nio at boyfriend na si Edu.

EDU manzano ON ORAS DE PELIGRO
Puring-puri naman ni Edu ang pelikulang Oras de Peligro na pinagbibidahan nila Cherry Pie Picache at Allen Dizon.
Sa ilalim ng direksyon ni Direk Joel Lamangan, mapapanood ito sa mga sinehan simula sa March 1.
"I'm here to support Pie, of course, and to also support the film. It's a well-made film," pagmamalaki ni Edu.
"Parang nanumbalik sa akin yung mga panahong 1983 all the way to '86.
"Because, nakita mo, mayroon silang parallel inclusions ng mga videos, ng mga newspapers, pati mga ibang inportant personalities na nakapagsalita din.
"There's no intent to mislead the public."

EDU'S RECOLLECTION OF EDSA REVOLUTION
Isa si Edu sa nakiisa sa People Power Revolution sa EDSA noong 1986.
February 25, 1986 nang mapatalsik sa puwesto ang noo'y diktador at Pangulong Ferdinand Marcos Sr. matapos ang 20-year rule.
Ano ang di niya makakalimutang karanasan doon?
Sagot ni Edu: "No, not one experience, it was the entire adventure of not knowing what is going to happen to your country, saan nyo makikita in a few years.
"You worry about your family, you worry about your children, and if the country will be able to survive a revolution.
"Thank God it was a peaceful revolution."
Read more stories on PEP.ph:
- Edu Manzano on son Luis's legal battle: "I don't need to defend him. He's his own man."
- Pokwang fumes at ex-partner Lee O’Brian; calls him "inggrato"
- Boy Abunda disappointed with Liza Soberano's "this is me" vlog
- Liza Soberano on people who made her a star: "I wouldn't have the name that I have, if it weren't for them."
