PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Connie Sison nagpaalam na sa Unang Hirit

Part pa rin siya ng ibang news program sa Siyete.
by KC Cordero
Published Mar 1, 2023
Photos of Connie Sison
Kahit nagpaalam na sa Unang Hirit, mananatiling bahagi si Connie Sison ng GMA Integrated News. “I have peace in my heart, that I am following His design for my family and health.” (Photos courtesy of Connie Sison & Unang Hirit)

Matapos ang 13 years na pagi-interview sa iba’t ibang personalidad, at paghahatid ng mga lokal at balita mula sa labas ng ating bansa, nagpaalam na si Connie Sison sa morning show ng GMA-7 na Unang Hirit.

Ang pamamaalam ng veteran journalist ay ibinalita ng GMA News Online last February 28, 2023.

Ayon kay Connie, "Nagpasya po ako at ang pamilya ko na magretiro na para maalagaan ang aking kalusugan at, siyempre, ang aking bunso na talaga namang matagal na nagre-request."

READ ALSO: Did you know: Connie Sison once appeared in Coney Reyes' drama anthology?

Connie Sison with Unang Hirit team

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamakailan ay ibinahagi rin niyang nagkaroon siya ng hypothyroidism, at inoperahan sanhi ng appendicitis.

Gayunpaman, magiging bahagi pa rin siya ng ibang news program sa Siyete.

Mananatili pa rin si Connie sa Balitanghali at iba pang programa sa DZBB, at sa Pinoy MD.

Aniya matapos ianunsiyo ang pag-alis sa Unang Hirit, “Magpapasalamat ako sa inyong lahat, ng ating mga 'UH' katambay all throughout the years.

"Magdadalaw pa rin ako."

Connie Sison at Unang Hirit studio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last February 9 ay lumagda siya ng panibagong kontrata sa GMA Integrated News.

Sa panayam matapos ang contract signing ay nagbigay pa si Connie ng payo sa mga aspiring journalists para magtagal sa industriya ng pagbabalita.

Aniya, “Kailangan meron kang passion. Ibigay mo siyempre yung lahat.

“Huwag mong i-give up kasi talagang maraming times na mahirap. Yun yung magbibigay sa inyo ng experience na di matatawaran.”

Dagdag pa niya, “Yun yung magbibigay sa inyo ng confidence later on in life to deal with difficulties na puwede mong maharap.

“Never give up and pray.”

Connie Sison at the radio booth

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nangako naman si Connie na mas pagbubutihin ang paghahatid ng balanse at makabuluhang features sa Balitanghali... “Na maaaring matutunan ng lahat para makasabay po tayo sa panahon."

Inamin din niyang kahit beterana na sa pagharap sa camera, lagi pa rin siyang may challenges na kinakaharap.

At para maitawid ang bawat araw sa trabaho, "It's always good na meron ka parating urgency to do your job well.

“Hindi yung parang walk in the park na lang na lagi kasi that's when you lose everything."

READ ALSO: Senator Dick Gordon criticized for being "rude" to Unang Hirit news anchor Connie Sison

Sa kanyang March 1 Instagram post, ibinahagi ni Connie ang nararamdaman ngayong hindi na siya bahagi ng Unang Hirit.

Aniya, “And just like that, I have a new, more normal sched this first day of March!

“Di lang ako ang nag-retire sa UH, pati asawa ko at ang aming long-time driver na si Nats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pareho silang gumigising kasabay ko for more than two decades including the years I had when I started sa industry doing the morning show.

READ ALSO: Connie Sison and Ivan Mayrina are both On Call

“Laking pasasalamat ko, kasi di ko kakayanin kung wala sila.

“Also, if truth be told, I felt deep joy when I woke up to my first experience of sunrise from my bedroom window together with my hubs Chris and bunso Max as a ‘retiree.’

“UH retiree, hihi. Dati kasi logo lang ng sun ng Unang Hirit ang nakikita ko.”

Nagpapasalamat umano siya sa chance na ito na ibinigay sa kanya ng Diyos.

“I have peace in my heart, that I am following His design for my family and health.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit nagpaalam na sa Unang Hirit, mananatiling bahagi si Connie Sison ng GMA Integrated News. “I have peace in my heart, that I am following His design for my family and health.” (Photos courtesy of Connie Sison & Unang Hirit)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results