PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Carlo Aquino just confirm his relationship with Charlie Dizon?

Carlo Aquino on cozy photos with Charlie Dizon: "Love and laugh abundantly.”
by Arniel C. Serato
Published Mar 1, 2023
Carlo Aquino, Charlie Dizon Instagram official
Actor Carlo Aquino shares cozy photos with rumored girlfriend Charlie Dizon on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: @joshenvahnlee on Instagram

Mukhang inamin na ni Carlo Aquino na sila na ni Charlie Dizon.

Sa Instagram ngayong hapon ng Miyerkules, March 1, 2023, nagbahagi si Carlo ng tatlong larawan nila ni Charlie.

Twinning pa ang kanilang mga suot na panlamig dahil kuha ang mga nasabing larawan sa Nagayama, Japan.

Maiksing caption ng Kapamilya actor: “Love and laugh abundantly.”

View this post on Instagram

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Pinusuan naman kaagad ito ng ilang kaibigan ng aktor.

Carlo Aquino, Charlie Dizon Instagram official

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

February 8 ang huling post ni Carlo sa Instagram tampok si Charlie.

In-upload ng aktor ang 49-second video kung saan makikita si Charlie na enjoy na naglalakad sa isang pasyalan sa Ginza sa Tokyo, Japan.

Hindi malinaw kung kailan kuha ang video.

Pero nagtungo sa Japan si Carlo para sa shooting ng kanyang kauna-unahang international film na iprinodyus ng Japanese film company na 034 Productions at local film company na High Roads Creatives.

Mababasa sa caption ni Carlo (published as is): "TokYou have my heart."

Ito ang unang beses na ipinost ni Carlo si Charlie sa kanyang Instagram.

Read: Instagram official? Carlo Aquino flexes Charlie Dizon on Instagram

Noong January 6, 2023, tuluyan nang inamin ni Carlo na nasa dating stage sila ni Charlie.

Nangyari ito nang makapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang award-winning actor pagkatapos ng presscon para sa partnership ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at MavX Productions, isang independent film company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, totoong kinikilala niya si Charlie nang higit sa pagiging kaibigan at co-star sa pelikulang Love On A Budget.

"I'm getting to know more about her," pag-amin ni Carlo.

"Kasi nagkasama rin kami sa U.S. tour for Star Magic. So, nakilala ko siya dun.

"Actually, prior to that, magkasama pa kami sa A Soldier's Heart, so yun.

"Mas naging okay kami sa U.S. until now. Nagkikita-kita kami, lumalabas."

Read: Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon

December 29, 2022, unang umugong ang usapang may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa matapos mag-post si Charlie ng sweet photo nila ni Carlo, kasama ang ilang non-showbiz friends, nang nagdaos sila ng isang holiday dinner.

Makikita sa mga larawan na magkatabi sina Charlie at Carlo.

Naka-dekuwatro si Charlie habang ang kamay ng aktor ay nakahawak sa hita ng aktres.

Bahagyang nakahawak naman si Charlie sa braso ni Carlo.

Sabi ng Kapamilya actress sa caption, “Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother [heart emoji]”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Is Charlie Dizon in relationship with Carlo Aquino?

Ang huling nakarelasyon ni Carlo ay si Trina Candaza, na nauwi rin sa hiwalayan kahit mayroon silang isang anak na babae, si Mithi.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Carlo Aquino shares cozy photos with rumored girlfriend Charlie Dizon on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: @joshenvahnlee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results