Kabado ang Viva artist na si Debbie Garcia nang magpaunlak ng panayam sa grand opening ng Limbaga 77 restaurant nitong Marso 1, 2023, Miyerkules, sa Garden Restaurants area ng Trinoma, Quezon City.
Matatandaang nagkaroon ng physical at verbal altercation sina Debbie at Barbie Imperial noong Oktubre 28, 2022, Biyernes ng bandang 1:00 a.m., sa Tipsy Pig Gastropub, Quezon City.
Slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed ang mga reklamong isinampa ni Debbie laban kay Barbie noong Nobyembre 22, Miyerkules ng hapon, sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Read: Debbie Garcia files multiple complaints against Barbie Imperial
Kumusta na siya ngayon?
“I’m doing good po. I am happy na. I feel better now. I cannot say na I’ve totally moved on from what happened,” pag-amin ni Debbie.
“Kasi ahhmm nandoon pa rin po sa… OK, I believe I cannot say much about it, may kaso.
“So, nag-iingat po ako, but all I can say now, just to give you an update po, ahhmm… we had hearing na.
“And mas pinili po kasi namin na tahimik na lang sana, kasi alam niyo naman po yung binabato ng mga tao sa akin, na I’m just using the incident for my own good.
“Di ba po? Parang… hindi naman nagma-matter ang opinion ng mga tao na yun e. Ahhm, ang sa akin lang kasi, I’m just fighting for my rights kaya po tayo nagsampa ng kaso.
“And yung mga sinasabi nila na I’m using her para sumikat, yung mga ganun, siyempre po masakit din for me. Kasi hindi naman po iyon ang isyu talaga kung bakit, di ba?”
CIRCLE OF FRIENDS
May same circle of friends sina Barbie at Debbie. Sinuportahan ba siya ng mga kaibigan niya after the incident? O nagkampi-kampi sa dalawang kampo?
“Ahhmm siguro po I’m just happy na may mga kaibigan kami na neutral lang,” sambit ni Debbie.
“Kasi, labas naman sila sa kung ano ang meron kami. And… ahhmm nakakataba rin po ng puso — ayoko na lang pong mabanggit yung nga pangalan — na sumusuporta po talaga sa akin.”
Sa puso niya, nakapagpatawad na ba siya?
Natigilan nang ilang sandali si Debbie bago nagturan, “Kasi po, siguro po… ang hirap po kasing magpatawad kung hindi naman po humihingi ng tawad, di ba?
“Ahhmm pero po ako, knowing myself po, madali naman pong magpatawad…
“Siguro kung napag-usapan na nang maayos, nagkaroon ng chance, nabigyan ng chance or naglaan ng oras para pag-usapan, magiging OK naman po siguro.”
VIVA SUPPORTS DEBBIE GARCIA
At least, suportado siya ng Viva. Patuloy siyang binibigyan ng Viva ng projects.
Read: Debbie Garcia, suportado ng Viva sa paghahain niya ng reklamo laban kay Barbie Imperial
Pagtatapat ni Debbie, “Yes po, happy po ako. Kasi when it happened, medyo dumaan po ako sa stage ng depression.
“In denial ako noon na depressed ako. Kasi alam mo yun, gusto mong maging strong.
“Pero now na I’m OK, parang… and kailangan mo kasing i-acknowledge yung feelings mo para maka-move on ka.
“Dumaan po talaga ako sa stage na na-depress ako. Binigyan ako ng doktor ng advice.
“Kasi kahit sabihin mo po na oo, hindi naman nila ako kilala, they don’t know me and I don’t know them, so kaya nila nasasabi ang mga ganun about me. But at the end of the day, kasi parang everywhere, e.
“Medyo masakit siya for me especially pati yung pamilya ko kasi, affected. Dahil hindi lang naman po ako yung bina-bash ng tao. Pati yung family ko.
“And I have yung mga nephews ko, yung niece ko, sa school nila. Siyempre bilang tita nila, so naaawa ako sa kanila na natatanong sila regarding that na wala naman po silang kamuwang-muwang.
“So, dun lang po talaga ako nasasaktan, na pati yung family ko nadadamay. Kaya po after that, as much as possible, ginagawa ko pong private na lang ang buhay ko.”
DEBBIE GARCIA UNDERGOES DEPRESSION
Gaano katagal ang depression niya bago niya nalagpasan?
“Kasi po it happened end of October. Hindi po ako lumalabas ng bahay. Ang labas ko lang po talaga is work!” bulalas ni Debbie.
“Kaya thankful ako sa Viva na binibigyan nila ako ng trabaho para maging busy at mawala dun ang utak ko.
“And ipinaubaya ko na rin sa lawyers ko. So ako, ang focus ko talaga, sarili ko, para mabuhay ako.
“So for the whole month of November, nagkulong lang talaga ako sa bahay. Feeling ko, end of everything na for me.
“Kasi po, ako… ayokong magsalita noong una alam ko naman ang totoo. I know my truth so I don’t need to defend myself.
“Kasi ang importante sa akin, alam ng mga nakakasama ko, ng mga mahal ko sa buhay. Kilala nila ako. Yun yung importante sa akin.”
Nawindang si Debbie sa insidenteng naganap sa pagitan nila ni Barbie. First time niyang masaktan?
Napabuntong-hininga si Debbie, “Never po akong na-involve sa ganung insidente.
“And for me kasi, ahhh nung time na yun, I went out to have fun. Kasi my friend, sumu-support sa event ng Tipsy.
“So, wala po talaga, for me nagulat po talaga ako nung mga panahong yun. Kasi kung naramdaman ko naman po na may ganung tension, I wouldn’t stay there.”
BECAUSE OF DIEGO LOYZAGA?
Sabi-sabi, ang pinag-ugatan ng altercation nila ay ang ex-boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga.
OK ang samahan nina Diego at Debbie. Isa si Debbie sa co-stars nina Diego at Julia Barretto sa pelikulang Will You Be My Ex? sa direksiyon ni Real Florido.
Maagang dumating si Diego sa blessing ng Limbaga 77 sa Trinoma. Kasama sila ni Sylvia Sanchez sa ribbon cutting.
Nakaalis na si Diego nang dumating naman sina Julia, Debbie, Direk Real, Juan Carlos Galano, at iba pang kasama sa pelikula.
Sabi ni Debbie tungkol kay Diego, “We’re friends, we’re good friends. Talagang nagka-catch up kami. Pag may mga problem si ano, ‘O, anong nangyari?’
“Happy rin naman ako na nung nangyari ang incident, talagang tinawagan niya po ako. Kinumusta niya ako.”
Single ngayon si Debbie. Noong 2020 pa raw ang huli niyang relasyon.
Ipinagdiinan ni Debbie na hindi niya dyinowa si Diego.
At kung makikipag-date siya sa Limbaga 77 restaurant, sino ang bet niya?
Napangiti si Debbie, “Dito? Naku ahhmm, hindi ko alam kung nasabi ko sa mga interviews ko pero parang gusto ko na lang… afam. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Magugustuhan niya ang Filipino food.”
Kabilang sa movies ni Debbie ang 5 in 1 (2022), Wedding Dress (2022), May-December-January (2022), The Wife (2022), Kitty K7 (2022), Kaka (2021), Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo (2019), at Amnesia Love (2018).
