PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yeng Constantino on Marital Issues with Yan

Yeng admits she got scared of the so-called seven-year itch.
by Melba R. Llanera
Published Mar 2, 2023
Yeng Constantino and Yan Asuncion
Yeng Constantino on how she got paranoid over the so-called seven-year itch: "Lagi akong on my toes baka kasi mangyari. 'Ako, alam ko sa end ko na hindi. Paano kung ikaw?' Nakahinga na ng maluwag nung eight years na kami kasi tapos na yung seven-year curse. Okay na. Mas makaka-relax na ako."
PHOTO/S: @yeng Instagram

Aminado si Yeng Constantino na may puntong nakaramdam siya ng matinding anxiety sa walong taong pagsasama nila ni Yan Asuncion.

Kasabay nito ang sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz couples, gaya nina Moira dela Torre at Jayson Marvin pati sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Sa kaso nina Yeng at Yan, sumailalim sila sa therapy upang malampasan ang mga pagsubok sa kanilang marriage.

"Therapy, kailangan talaga yun. Individual kami, di kami puwede na magkasama. Work on yourself, I'll work on myself, sa emotional well-being ko," pag-amin ni Yeng.

"Dati kasi ang taboo lang pag nagte-therapy. Individual, pero pareho kami ng therapist.

"Love, hindi ko naiintindihan.' 'Magtanong ka nga para nare-resolve.' Sobrang nakatulong."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yeng sa Academy of Rock Ambassadorship launch, noong February 27, 2023, sa Academy of Rock Tomas Morato, Quezon City.

Nakatulong daw ang therapy para maresolba nila ang personal issues nila pati na pakikitungo nila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Yeng: "Wala naman kasing masama, walang masama dun. Do whatever it takes to help the relationship kasi magkaiba kayo ng personality.

"My husband is very quiet. Lagi kong complain, 'Why don't you express your love to me?'

"Tapos ako naman maingay, verbal processor ako. Para ma-process ko ang thoughts ko dapat nagsasalita ako.

"Siyempre siya, napapagod din siya sa akin. Tapos ako naman, 'Hey, i-affirm mo ako.'

"Parang mahirap din yun, dapat tulungan nyo ang isa't-isa. Magkaiba talaga kayo, adjust, adjust."

ON THE SO-CALLED "SEVEN-YEAR ITCH"

Bakit siya naparanoid sa balitang celebrity couples na naghihiwalay?

"Nung time na yun, ang anxiety ko ang taas. Sabi nga ni Yan, 'Bakit parang ako ang may kasalanan? Bakit ka ganyan makatingin sa akin?'"

Di itinago ni Yeng na naniniwala siya sa "seven-year itch," kunsaan nakakaranas ng sense of restlessness o unhappiness ang isang mag-asawa.

Kinabahan daw si Yeng noong panahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, parang napapaisip ako. Parang tinanong nga sa akin sa Magandang Buhay, e, pa-seven years na kami nun. Naku, nakakakaba!

"Lagi akong on my toes baka kasi mangyari. 'Ako, alam ko sa end ko na hindi. Paano kung ikaw?'

"Tapos ang dami pang napapabalita, di ba, na ganun.

"Kaya nung nag-eight years kami ni Yan, sabi ko sa kanya, 'Love, salamat, eight years, lumagpas tayo.'

"Nakahinga na ng maluwag nung eight years na kami kasi tapos na yung seven-year curse. Okay na. Mas makaka-relax na ako."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON CONTROLLING EMOTIONS

May ibinahagi si Yeng na tips para sa couples.

Una na rito ang pagbaba ng pride kapay may argumento.

"Kailangan talaga, napaka-cliché, communication saka compromise.

"Saka pag yung isa mataas na, yung isa bababa rin ng kaunti. Wag sabayan, napakapraktikal ng payo na yun.

"Pag ka nandun na yung isa, ikaw naman ang kumalma. Kalmahan mo lang din."

Ngayon ay masasabi raw ni Yeng na mas mahal nila ni Yan ang isa't isa dahil committed sila na alagaan ang kanilang marriage.

"More in love now. Lagi namin yung sinasabi ni Yan, kahit siya, 'Mas mahal kita kaysa dati.'

"Kasi mas bumait ako ngayon," pag-amin ni Yeng.

Malaking bagay na mas nag-mature na raw ang singer dahil sa mga karanasan sa buhay.

"Siguro my dad passed away, ang daming nangyari. Saka malungkutin ako noon, siya talaga ang nagke-carry ng lahat.

"Ewan ko nga ba, kaya gusto kong bumalik, paltukan ko ang sarili ko, 'Bakit ka malungkot?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, ano ako, melancholic ang personality ko, pero pangisi-ngisi ako sa labas/

"Pero sa bahay medyo may days ako, saka ma-day dream, para akong laging nanaginip. Siya ang sumasalo nun, 'Okay ka lang?'"

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino on how she got paranoid over the so-called seven-year itch: "Lagi akong on my toes baka kasi mangyari. 'Ako, alam ko sa end ko na hindi. Paano kung ikaw?' Nakahinga na ng maluwag nung eight years na kami kasi tapos na yung seven-year curse. Okay na. Mas makaka-relax na ako."
PHOTO/S: @yeng Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results