PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pastry Chef's 6-ft Wedding Cake Wins P80,000

Chef Perie: four years na nag-online selling, ngayon ay may sarili ng bakeshop.
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2023
Chef Perie Bakery Fair 2023
Nanalo si Chef Perie Cudanin ng PHP80,000 dahil sa kanyang winning wedding cake entry na nagpapakita ng kulturang Pinoy. Siya ay four years na nag-online selling, bago nagtayo ng bakeshop noong simula ng pandemya.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Makalipas ang apat na taon, muling ibinalik ng Filipino Chinese Bakery Association Inc. (FCBAI), sa pangunguna ni President Gerik Chua ang Bakery Fair, ang biennial event ng kanilang organisasyon. Pansamantala iyong nahinto dahil sa coronavirus pandemic.

Ngayong Sabado, March 4, 2023, ang huling araw ng Bakery Fairy Fair, na nag-umpisa noong March 2 sa World Trade Center sa Pasay City.

Nilahukan ng 136 exhibitors ang event, at dinayo ito ng mga entrepreneurs na paggawa ng tinapay at cake ang pinagkukunan ng kabuhayan.

Ang pinaka-highlight sa three-day Bakery Fair 2023 ay ang Bakers Cup Wedding Cake Competition, na may temang Kasalang Pinoy.

Si Chef Perie Cudanin ng Perie’s Bakehouse sa Lucban, Laguna ang nanalo ng Bakers Cup at tumanggap ng cash prize na PHP80,000, dahil sa Pilipinong-Pilipino na wedding cake entry niya na may taas na six feet.

Inilarawan ni Chef Perie ang mga materyal na ginamit niya para mabuo ang winning wedding cake niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ginawa po namin ng three weeks ang wedding cake entry namin. Kailangan na patigasin ang royal icing para maging stable dahil madali siya na mabasag.

"Gumamit po ako ng Penco powdered sugar para sa royal icing at fondant. Gum paste para sa flowers, wood at dowel para sa base ng cake, at pinatigas na rice paper para sa capiz design ang mga ginamit ko.

Unang araw pa lamang ng exhibit sa World Trade Center ay nahulaan nang ang entry ni Chef Perie ang mananalo dahil sa cake entry niya na tunay na sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino.

"Naisip ko lang po na pagsama-samahin ang mga sinauna na tradisyon at kultura ng ligawan na Pilipino mula sa tinikling, harana, pagsasaka, paggawa ng palayok, at marami pang iba," ang dagdag na pahayag ni Chef Perie.

Balak niyan i-display at hindi ipakain sa mga tao ang kanyang masterpiece dahil isa ito sa mga simbolo ng kanyang tagumpay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

More hot stories on PEP.ph:

HOW CHEF PERIE DISCOVERED HIS LOVE FOR BAKING

Nagtapos si Chef Perie ng Hotel and Restaurant Management sa St. Anne College of the Pacific, at nagsimula siyang gumawa ng mga cake noong 2014.

Isang taon lamang na nagtrabaho si Chef Perie sa Sofitel Manila dahil ipinadala siya sa Sofitel Saudi Arabia bilang pastry chef.

Makalipas ang apat na taon, nagpasya ang 34-year-old chef na bumalik sa Pilipinas at inumpisahan niya ang kanyang online cake selling.

"Ipinanganak po ako, may bakery na kami sa Lucban na Cudanin Bakery ang pangalan pero wala kaming itinitinda na cakes, puro breads lang.

"Ako po ang nag-start ng cake making sa pamilya namin,” ang kuwento ni Chef Perie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Sabado, March 4, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nang bumalik po ako sa Pilipinas mula sa Saudia Arabia, nagsimula na akong gumawa at magbenta ng cake online for four years."

Taong 2020 nang magpagawa si Chef Perie ng sariling bakeshop.

"Nang makaipon po ako, itinayo ko ang ang physical store ng Perie’s Bakehouse.

"Panahon ng pandemya, April 16, 2020 nang magbukas ang tindahan namin kaya natikman po uli ang mga tinapay na gawa namin.

"Marami ang nag-cancel ng kanilang order na cakes noong pandemya dahil natigil ang mga event.

"Naka-survive po kami sa pagtitinda ng mga tinapay at nakatulong din nang konti sa pagbibigay ng mga ayuda,” ang kuwento ni Chef Perie.

GRATEFUL TO FAMILY

Wala nang balak magtrabaho sa ibang bansa si Chef Perie dahil natupad na ang pangarap niya na dream bakeshop.

"Ang aking ina si Mayeth Cudanin ang isa sa mga inspirasyon ko sa pagtatayo ng bakeshop.

"Nang mamatay po ang tatay ko noong 2011, ang nanay ko na po ang kasama ko sa pagpapatuloy ng mga gawain sa bakery na naiwan ng aking ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpapasalamat din po ako sa aking mga kapatid na katuwang ko sa pagpapalago ng negosyo namin, sina Kuya Ogie, Ate Matet, at Kuda.

"Saka sa dalawang kapatid ko sa abroad, sina Ate Leng at Kuya Oton na tumulong sa pinansyal na pagpapaaral sa akin."

Balak gamitin sa pagpapatayo ng kanyang pangarap na commissary ang cash prize na napanalunan niya sa Bakers Cup Wedding Competition ng FCBAI.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanalo si Chef Perie Cudanin ng PHP80,000 dahil sa kanyang winning wedding cake entry na nagpapakita ng kulturang Pinoy. Siya ay four years na nag-online selling, bago nagtayo ng bakeshop noong simula ng pandemya.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results