PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tito Sotto, Joey de Leon on Eat Bulaga creator

Tito: "Walang dapat baguhin sa production ng Eat Bulaga!"
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2023
Eat Bulaga Dabarkads Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon
Dabarkads Tito Sotto (left) and Joey de Leon (right) remind viewers about how Tito, Joey, and Vic (center) contributed to the birth and success of Eat Bulaga! in the last 43 years. Tito said, referring to the team behind Eat Bulaga!: "Keep up the good work! Walang dapat baguhin sa production ng Eat Bulaga!"
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga!

#EatBulagaWar

Hindi maipagkakailang may kinalaman sa gulo sa loob ng Eat Bulaga! ang mga pahayag nina former Senate President Tito Sotto at Joey de Leon.

Base ito sa live telecast ng Eat Bulaga! ngayong Sabado ng hapon, March 3, 2023.

Bago nagsimula ang grand finals ng kiddie talent search na Little Miss Diva, inawit muna nina Tito, Vic at Joey ang theme song ng Eat Bulaga.

Nagkaroon ito ng mas malalim at madamdaming kahulugan para sa televiewers dahil sa kontrobersyang kinakaharap ng programa.

Matapos awitin ang makasaysayang theme song ng Eat Bulaga, ipinaalaala ni Tito sa viewers ang malaking kontribusyon nina Vic at Joey sa noontime show.

"O, ha! Para sa mga mas bata pa sa kanila, nililinaw ko lang, ha, ang nag-compose ng kantang "Eat Bulaga," si Vic Sotto.

"Ang nag-imbento ng salitang Eat Bulaga, si Joey de Leon!" bulalas ni Tito.

Sinang-ayunan ito ni Joey.

Ani Joey, "Si Vic ang nag-compose ng kanta, ako ang nakaisip nung Eat Bulaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Joey kay Tito, "Ano ang ginawa mo?'"

Sagot ni Tito, "Ako ang manager!"

Eat Bulaga

"WALANG DAPAT BAGUHIN SA PRODUCTION NG EAT BULAGA!"

Low-key, pero nagpahiwatig din sina Tito at Joey kung gaano ka-solid ang Dabarkads.

Naganap iyon noong ongoing na ang grand finals ng "Little Miss Diva."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan si Sotto ng komento tungkol sa mga pagtatanghal na ipinamalas ng mga contestant ng kiddie contest.

Binati muna ni Tito ang mga kalahok at ang mga magulang ng mga bata.

"Ang galing ninyong lahat, e. I’d like to congratulate not only you, but also ang mga magulang ninyo. Maraming salamat. Malaking bagay yung nurturing.

"Sa magulang, importante yung nurturing. Merong sinasabi, 'Mana kay ganito.' Hindi, ang importante kung paano ninu-nurture ng mga magulang ang kanilang mga anak.

"At nakikita ko, maganda kayong ehemplo, inspirasyon sa ibang mga pamilya. Congratulations sa inyo," ang mensahe ni Tito.

Sabay sinundan ito ni Tito ng mga makahulugang salita, "At congratulations sa production ng Eat Bulaga!

"Keep it up! Keep up the good work! Walang dapat baguhin sa production ng Eat Bulaga!"

Sinundan ni Joey ang malamang salita ni Sotto.

Tiniyak ni Joey na six years from now daw ay ipagdiriwang pa rin ng Dabarkads ang ika-limampung anibersaryo ng Eat Bulaga!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayon pa lang ay ipinaabot na niya sa lahat ang kanyang imbitasyon. Sa July 30, 2023 ay 44th anniversary pa lang ng show

Sabi ni Joey, "Iba yung sa akin, dahil ang akin, ine-extend ko ang invitation sa inyong lahat.

"Magkikita-kita uli tayo after six years to celebrate Eat Bulaga!’s fifty years on television.

"Kumbidado kayo. Tuloy tayo! Fifty years of Eat Bulaga! on television."

INTERNAL WAR IN EAT BULAGA

Nakatutok ang publiko sa mga susunod na kabanata na mangyayari sa Eat Bulaga dahil sa pinagpipistahang balita na magkakaroon ng major changes sa show—mula sa mga namamahala nito, pati mga host, at maging ng production staff.

Ang Television and Productions Exponents (TAPE) Inc. ang nagproprodyus ng Eat Bulaga!, na 43 taon nang umeere sa telebisyon.

Kahapon, March 3, 2023, inulat ng Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang mga anak ni Romeo Jalosjos Jr. ang namamahala ng TAPE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Tony Tuviera—kilala sa showbiz circles bilang Mr. T—ay co-founder at co-owner ni Jalosjos sa TAPE. Pero mas malaki ang parte ni Jalosjos sa kumpanya.

Si Tuviera ay matagal nang nagretiro bilang top executive ng TAPE, pero siya pa rin ang nasusunod sa pag-manage ng show bago ang mga pagbabagong naibalita.

Ngayon, sinasabing wala na sa kamay ni Tuviera ang final say sa show.

Noong March 2, nagkaroon na ng meeting sa pagitan ng mga anak ni Jalosjos at ng GMA-7 management tungkol sa change of hands sa management ng TAPE.

Kasama rin sa pagpupulong na iyon si Tuviera.

Kasabay nito ay maraming espekulasyon ang lumutang kaugnay ng sinasabing "major rebranding" ng Eat Bulaga!

May mga haka-hakang iiwan na nina Tito, Vic, at Joey ang Eat Bulaga! kapag nabawasan na ang kapangyarihan ni Tuviera sa kompanya at programa.

Ang loyalty ng TVJ ay na kay Mr. T.

Sa ulat ng Cabinet Files kahapon, nabanggit din ang usap-usapan sa showbiz circles na hiniling umano ng mga anak ni Jalosjos sa mga empleyado ng TAPE na magbitiw—mag-resign—ang mga ito sa tungkulin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saka raw kukunin ng bagong management ng TAPE ang serbisyo ng mga karapat-dapat bumalik sa trabaho.

Read: Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?

Sinubukan din ng PEP.ph na hingan ng pahayag si Willie Revillame, na nababalitang hinihimok umano ni Jalosjos na maging bagong host ng Eat Bulaga! Pero wala pang sagot si Willie sa ngayon.

Read: Willie Revillame, nadadawit sa isyung rebranding ng Eat Bulaga!; napipisil umano na pumalit sa TVJ?

Sa hiwalay na sources ng PEP Troika, na naiulat nitong March 4, 2023, sinasabing sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Allan K lang umano ang gustong i-retain sa show.

Noon pa lang February 28, 2023, nagpulong na ang Dabarkads tungkol sa internal issue sa Eat Bulaga!

Kinakausap rin umano ng Net25 sina Tito, Vic, at Joey para sa isang noontime show, ayon pa rin sa mga nakausap ng PEP Troika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang opisyal na pahayag ang mga sangkot sa isyu.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dabarkads Tito Sotto (left) and Joey de Leon (right) remind viewers about how Tito, Joey, and Vic (center) contributed to the birth and success of Eat Bulaga! in the last 43 years. Tito said, referring to the team behind Eat Bulaga!: "Keep up the good work! Walang dapat baguhin sa production ng Eat Bulaga!"
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results