Hindi raw naging mahirap para kay Markus Paterson, 24 na maging magkaibigan silang muli ng ex-girlfriend na si Janella Salvador, 24.
Ito ang pahayag ng Kapamilya actor nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ni Janella mula nang mag-break sila higit isang taong ang nakararaan.
Mayroon silang two-year-old son, si Jude Trevor.
"It's easy coz we started as friends, e. We just had to go back to that," pahayag ni Markus ukol kay Janella.
"We're good, maayos naman kami. Anytime nahihiram ko si Jude, basta walang trabaho.
"We're very happy in our own personal lives."
MARKUS PATERSON AND JANELLA SALVADOR CO-PARENTING
Ayon kay Markus, maayos ang co-parenting arrangement nila ni Janella.
"As co-parents, magaling siyang mag-communicate, and yun naman ang importante sa akin. It's always Jude first."
Puring-puri din ni Markus si Janella bilang isang ina sa anak nilang si Jude.
Aniya, "She's an amazing mom. She always has been and she always will."
Tumatak ang role ni Janella bilang Valentina sa Darna, ang katatapos ng prime-time series ng ABS-CBN.
Proud si Markus sa achivements ng ina ng anak.
"She's doing an amazing job, I'm always happy for her, I'm always proud of her," saad ng aktor.
Nakapanayam ng PEP.ph si Markus sa premiere night ng Martyr Or Murderer noong nakaraang February 27, 2023.
Ang pagsuporta sa matalik na kaibigan na si Diego Loyzaga ang rason ng presensiya ni Markus sa event.
- Markus Paterson reveals breakup with Janella Salvador happened almost a year ago
- Janella Salvador hints at breakup with Markus Paterson
- Janella Salvador on co-parenting with ex-boyfriend Markus Paterson: "We have a system naman."
DATING AGAIN?
Nang tanungin ng PEP.ph kung may bago na siyang girlfriend, sinabi ni Markus na single siya ngayon.
"Wala pa, wala pa sa isip ko yan. Trabaho muna.
"And I don't think I can juggle stress as a father, and then work, and another girlfriend.
"Parang gusto kong mag-ipon, mag-save for the future of my son."
Sabi pa ni Markus, "Dyowa, in general I guess, iwas muna ako."
Kung sakali, taga-showbiz pa rin ba ang gusto niyang nobya?
Sagot ni Markus, "If possible, no, non-showbiz, mas tahimik."
ON BEING A FATHER
Ibinahagi ni Markus na malaki ang nabago sa kanya nang maging ama kay Jude Trevor.
"Lahat, lahat talaga. Alam niyo naman ang reputasyon ko dati. I mean, it hasn't changed much, I guess.
"Pero at least, lahat ng priorities ko, of course, has changed talaga."
Sa ngayon ay napapanood si Markus sa iWant series na Teen Clash kasama sila Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, at iba pang baguhang artista.
Paglalarawan ni Markus sa proyekto: "Okay naman, sobrang saya. It's a musical, it's teeny, it's fun, it's fresh.
"Jayda, she's good, she's fresh, she's young, she's eager to learn. She's an amazing actress."
- Xian Lim explains sightings with Ashley Ortega; clarifies real score between them
- Keanna Reeves recalls working as escort girl; claims there are stars getting "pa-booking"
- Tito Sotto and Joey de Leon declare brains behind Eat Bulaga! amid internal war
- Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?
