Ikinasal na si Dominique Cojuangco sa kanyang fiancé na si Michael Hearn noong Sabado, March 4, 2023.
Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa San Agustin Church sa Intramuros Manila.
Sa National Museum of Natural History sa Maynila naman idinaos ang magarbong reception.

READ ALSO: Dominique Cojuangco denies she's pregnant: “Lol no baby.”
Si Dominique ang nag-iisang anak ng aktres na si Gretchen Barretto at ng negosyanteng si Tonyboy Cojuangco.
READ ALSO: Gretchen Barretto, Tonyboy Cojuangco celebrate 28th anniversary as a couple
Ang newlyweds ay nagkakilala noong pareho pa silang nag-aaral sa British School Manila.
Ayon sa isang interview kay Dominique, year 2018 lang sila nagsimulang magkagustuhan nang muli silang magkita sa bar na pag-aari ni Michael.
Aniya, "It was at that moment that we looked at each other differently and we were shocked to have the same experience.”
Ayon naman kay Michael, "It was only on another night when she was at Run Rabbit Run that she came to say goodbye and we ended up meeting in each other's gaze.
“In that moment, everything cleared and changed, and I saw her."
Naging engaged sila noong October 2021.
READ ALSO: Gretchen Barretto ecstatic over daughter Dominique's engagement; quips about not being married
Dominique Cojuangco, daughter of Gretchen Barretto and Tonyboy Cojuangco, is now engaged
Sinabi ni Dominique na suportado ng kani-kanilang pamilya ang relasyon nila ni Michael.
"My parents are in love with Michael and are so happy about our relationship.
“He doesn't just take great care of me, but of them as well. I don't know which one of them was more elated, but they both reacted very positively towards the engagement."
Kuwento naman ni Michael, "Dominique fits right into the Hearn family dynamic.
“We are very close and enjoy spending time together."

Last February 10, nagbigay na ng pahiwatig si Dominique sa kanyang nalalapit na wedding.
Nag-post siya sa Instagram ng isang mahabang garment bag.
Hindi niya ipinakita ang laman sa loob.
Naglagay naman siya ng bride emoji sa photo.
Bago ito, noong January 25 ay may mga Instagram post din siya na nakasuot ng veil.
Kasama sa post ang photo ng tatlong caps na may naka-embroider na "Michael 4 Lyfe" sa isa, at "Bride" naman sa isa pa.
Kamakailan lang dinaos ang despedida de soltera ni Dominique, na dinaluhan ng kanyang mga magulang, mga ninang, at malalapit na kaibigan.
DOMINIQUE COJUANGCO AND MICHAEL HEARN
Si Dominique ay nag-aral ng fashion design sa Instituto Marangoni sa London.
Nagtapos siya bilang magna cum laude sa Fashion Institute of Design & Merchandising sa California.
READ ALSO: Dominique Cojuangco finishes 2nd college degree with honors; attends online graduation
Dominique Cojuangco graduates magna cum laude
Isang negosyante naman si Michael at konektado sa Clear Ice Company Philippines, Run Rabbit Run, at Winery PH.
Siya rin ang executive director ng Hearn & Hearn Consulting na pag-aari ng kanyang pamilya.
Naglunsad na rin ang couple ng sariling negosyo na beauty essentials.
