Naabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen Luna sa dressing room ng GMA-7, habang ongoing ang live telecast ng SOP, kaya tinanong na namin siya tungkol sa isyung nag-split na raw sila ng boyfriend niyang si Sherwin Gatchalian, Mayor ng Valenzuela.
Natawa na lang si Pauleen dito at diretsahang idinenay.
"Magkasama lang kami noong night ng birthday niya," sabi pa ni Pauleen. "Nagkaroon ng small party lang naman, sa may Piedra, sa The Fort. Nag-invite lang siya ng friends at nag-happenings lang kami roon.
"There's no truth to that. Even our friends, ang laging itinatanong sa amin ay kung kailan kami magpapakasal. Actually, mas napi-pressure ako kapag pinag-uusapan na ang kasal," natatawang pahayag pa ng magandang aktres.
May rason para makaramdam ng ganoon si Pauleen. Sherwin just turned 34 years old, very ripe for marriage, 'ika nga.
"Ganoon na nga, pero knowing him, marami pa raw siyang gustong gawin before he will get married," sabi ni Pauleen sa amin.
"Gusto niyang tapusin na muna ang term niya as mayor. He has another term, so mahaba-haba ring panahon yun."
Pero, after that, ang gusto nga ni Sherwin ay tumakbo na bilang congressman. So, by that time, kailangan na nito ang congressional wife, na most likely, si Pauleen na nga yun.
"Hay, naku, parang ayoko pang isipin!" at natawa na lang si Pauleen. "Marami pang puwedeng mangyari. Natutuwa na lang ako na naririyan pa rin siya, and he's really very supportive sa pag-aartista ko.
"Napapanatag lang ang loob ko kapag sinasabi niyang hindi raw siya tumatanda, bumabata raw ang feeling niya. Parang ang ibig sabihin, no need to rush for marriage."
READY FOR BIG BREAK. Sa career ni Pauleen, marami ang nagsasabing dapat ay humataw na ito. Pero, panatag ang loob ni Pauleen na umaapir lang regularly sa Eat...Bulaga! at sa iba pang shows ng GMA-7.
"Kuntento ako sa ganoong exposures. Isa rin ako sa mapapanood sa Kim San Soon starring Regine Velasquez. I will appear as one of those contravidas. Hindi naman heavy ang pagka-villainess ko rito, kaya may tuwa factor pa rin ang fans kapag pinanood nila," naipahayag ni Pauleen.
In fact, fresh na fresh ang chikang ito ni Pauleen, ang kumpirmasyong kasama siya sa soap ni Regine sa GMA-7 dahil after SOP, nakasalubong pa namin si Pauleen sa lobby ng GMA-7 at sinabi nga niyang nanggaling siya sa story conference ng Kim Sam Soon, ang hit Koreanovela na magkakaroon na ng local version, na finally ay magtatampok sa Asia's Songbird.
"Ang pag-aartista pa rin kasi ang gusto kong gawin. Basta ako, kung bibigyan ako ng malaking break ng GMA-7, naririto lang naman ako. I'm always prepared.
"Alam ko na pagdating sa kilig factor, mahirap na rin yung ganoon dahil alam ng mga tao na may boyfriend na ako. Pero, hindi naman dapat maging problema yun dahil puwede pa rin akong ipareha sa ibang showbiz guys.
"Trabaho lang naman itong sa akin, at puwede pa ring lumabas na convincing. Although, sorry, hindi ko naman nami-miss ang ibang showbiz guys, 'no? I'm very happy with my boyfriend. Kasi, Sherwin takes care of me.
"He never takes me for granted, kaya masaya at kuntento ako sa kanya," pahayag na lang ni Pauleen.