PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Diaz on alleged 40% cut from Liza Soberano's fee

Ogie says he waived his commission for this supposed teleserye of Liza
by KC Cordero
Published Mar 5, 2023
Liza Soberano and Ogie Diaz
Buwelta ni Ogie Diaz sa mga paratang na 40 percent ang cut niya sa talent fee Liza Soberano, inalok siya noon ni Vice Ganda ng hanggang 50 percent i-manage niya lang ito. "Kung hidhid ako sa salapi, kinagat ko yun! But I told Vice, 'No. Kahit 20 na lang, okay na ako.'”
PHOTO/S: Liza Soberano / Ogie Diaz Facebook

Nilinaw ng talent manager na si Ogie Diaz ang isyu tungkol sa, diumano, 40 percent ang kanyang cut sa talent fee ng dati niyang alaga na si Liza Soberano.

Sa kanyang vlog na in-upload noong March 3, 2023, pinag-usapan ni Ogie kasama sina Mama Loi, Dyosa Poekoh, at Tita Jegs kung magkano ang kinukuha niyang percentage sa kanyang mga naging alagang sina Liza at Vice Ganda.

Photo of Ogie Diaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una ay sinabi ni Mama Loi na may mga nagre-react umano na masyado nang kino-content ng vlog ni Ogie si Liza Soberano.

Sagot naman ni Ogie, na naka-address sa publiko, "Hindi naman ninyo malalaman kung di ninyo napapanood dito, di ba?

“Gusto niyo ba bigla ninyong nababasa tapos duda kayo kung sinabi namin o hindi?"

Aniya pa, "Ito ang uso ngayon, e. May naglalabas ng saloobin sa YouTube.”

Biro pa ng talent manager, "Sa palagay ninyo, kung may Friendster pa, hindi ko doon ilalabas?"

READ ALSO: Liza Soberano reacts to "ingrata" issue; Ogie Diaz to Liza: “Hindi ako galit sa yo.”

40 PERCENT ANG KOMISYON SA TF NI LIZA SOBERANO?

Napag-usapan ang isyu sa komisyon ni Ogie kay Liza matapos mag-tweet ang isang netizen noong March 1, 2023 ng, published as is: "Ang lala nung 40% commission.

"Ang laki talaga ng nawawala sa kanya. Wala pa diyan yung sa SM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tas yung isang brand na umatras kasi nagpadagdag ng TF si OD kahit ok na kay Liza yung offer.

"Grabe parang ginagawa niyong Diyos ang pera. Disgusting."

Screenshot of Ogie Diaz's vlog

Ang nasambit na lang ni Ogie, “How I wish!”

Tinanong pa ni Ogie si Dyosa kung magkano ang percentage na kinukuha rito ng Ogie D Productions.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Dyosa, "Twenty."

Sundot ni Ogie, "Hanggang twenty lang po kami."

Hirit naman ni Mama Loi, "Twenty? Di ba thirty percent percent ang kontrata niyo ni Liza Soberano?"

Sagot ni Ogie, "Eto, ganito yan, ha? Ipapaliwanag ko lamang sa inyo.

“Wala kami ditong ano, na nang-aaway kami or something.

“Hindi si Liza ang nagsabi nun.”

Binanggit niyang may isa ngang netizen ang nagpakalat na 40 percent daw ang kanyang kinukuhang komisyon.

Ani Ogie, "No... it's not true at all.

“I was only getting 20 percent."

Paliwanag naman niya kay Mama Loi, "At yung sinasabi mo kanina na 30, pag ikaw ang nag-aalaga, nagma-manage ka, dapat, pag-umpisa pa lang ng talent, 30 na.

“Thirty percent. Why?”

"Kasi gagastusan mo siya. Para kang nagluwal ng sanggol na padededehin mo, bibihisan mo, tapos tuturuan mong lumangoy, tuturuan mong lumakad, ganyan.”

Dagdag pang paliwanag ni Ogie, "Sa lahat ng mga pagtuturo, binabayaran mo iyon pero hindi mo naman sinisingil sa talent kasi bahagi iyon ng trabaho ng isang manager.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ ALSO: Dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz, may mensahe sa aktres

FROM 30 PERCENT, NAGING 20 PERCENT LANG ANG CUT NIYA

Ibinunyag din ni Ogie ang naging sitwasyon noon sa kontrata ni Liza.

"Ngayon, yung totoo nung kay Liza, 30 yun. Pero ako na ang lumabag sa sarili kong kontrata.

“Kasi naaano naman ako, nakikita mo yung totoong sipag nung bata. Makikita mo talaga kay Liza na gusto niyang mag-excel, gusto talaga niyang ma-achieve yung goal niya na mag-artista.”

Dahil umano roon, binawasan niya ang kinukuhang komisyon kay Liza.

Photo of Liza Soberano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ako naawa kundi, 'Ay, deserve ng batang ito. Twenty na lang.'

"Kaya 20 lang. At alam iyan ni Daddy John.”

Ang tinukoy ni Ogie na "John" ay si John Soberano na ama ni Liza.

Paglilinaw pa ni Ogie, from "30 percent" ay naging "25" hanggang naging "20" na lang ang kinukuha niya kay Liza.

"So, ako na rin yung lumabag sa kontrata na ako ang gumawa.

“Para lang makapag-ipon yung bata. Yun..."

Singit naman ni Mama Loi, "Di ba yung dulo nga, wala na? Tanggapin lang niya, zero na?

Ang tinutukoy rito ay ang proyekto sana ni Liza na It's Okay Not To Be Okay kasama si Enrique Gil.

Pagsang-ayon ni Ogie kay Mama Loi, "Oo, yun wala na [kukuning porsiyento].

In-offer ng ABS-CBN kay Liza na gumanap bilang female lead star sa Pinoy adaptation ng It's Okay Not To Be Okay, isang sikat na Koreanovela noong 2020. Pero sinasabing hindi ito tinanggap ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko na nga lang na makita siya ng mga fans. Hindi na yun pera-pera, eh.”

READ ALSO: Liza Soberano on people who made her a star: "I wouldn't have the name that I have, if it weren't for them."

INALOK NI VICE GANDA NG 50 PERCENT CUT

Si Ogie ay dating manager ni Vice Ganda.

Tanong pa ni Mama Loi kay Ogie, “Kay Vice, ilang percent ka?"

Ani Ogie ay nakakahiya naman kay Vice kung uungkatin pa ang naging kontrata nito noon sa kanya.

Photo of Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ito, para lang malinaw sa inyo, kami naman ni Vice magkaibigan.

“Si Vice noon, sabi niya sa akin, ‘I-manage mo na ako. Kasi si K Brosas nandiyan na. Si Gladys Guevarra, si Chokoleit, si Pooh, si Ate Gay nandiyan na. Ako na lang ang wala pa.’”

Ang mga nabanggit na talents ay mga kasamahan noon at kasabayan ni Vice sa comedy bar.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Sabi sa akin ni Vice, 'Kahit fifty-fifty tayo.’”

Mariin niyang sambit, "Kung hidhid ako sa salapi, kinagat ko yun!

“But I told Vice, 'No. Kahit 20 na lang, okay na ako.'

“So, doon nagsimula ang aming relasyon. It was never 30. At alam ni Jegs iyan dahil naging PA [personal assistant] ni Vice si Jeqs nung araw.”

Matatandaang umalis si Liza sa poder ni Ogie at lumipat sa talent management ni James Reid.

READ: Liza Soberano officially signs with James Reid's Careless Music

Apat na taon namang inalagaan ni Ogie si Vice bago ito lumipat sa pangangalaga ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Ogie Diaz on breakup of manager-talent relationship with Vice Ganda: "Nung naghiwalay kami, hindi rin naman kami nag-away."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buwelta ni Ogie Diaz sa mga paratang na 40 percent ang cut niya sa talent fee Liza Soberano, inalok siya noon ni Vice Ganda ng hanggang 50 percent i-manage niya lang ito. "Kung hidhid ako sa salapi, kinagat ko yun! But I told Vice, 'No. Kahit 20 na lang, okay na ako.'”
PHOTO/S: Liza Soberano / Ogie Diaz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results