PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lars Pacheco on PLM's Gender-Neutral Uniform Policy

Lars Pacheco recounts personal experience when it comes to school uniform.
by Melba R. Llanera
Published Mar 7, 2023
Lars Pacheco
Trans woman Lars Pacheco on wearing a male uniform when she was in high school: "I feel like hindi ko magawa kung ano ang gusto ko, hindi ko maipakita yung talento ko, yung galing ko, kasi nga nahihiya ako. Di kasi yun ang gusto kong makita ng tao na suot ko. Kung maibibigay lang yun—na di naman kabawasan sa karapatan ng iba—siguro mas towards tayo sa improvement and betterment."
PHOTO/S: @kirkmasangcay / @pachecolars Instagram

Ikinatuwa ni Lars Pacheco ang bagong polisiya ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na gawing gender neutral ang polisiya sa pagsuot ng uniform ng mga estudyante.

Ibig sabihin, desisyon ng estudyante kung polo at pants o blouse at skirt ang isusuot nilang uniform.

Layunin ng polisiya ng PLM, ayon sa panayam ng 24 Oras kay PLM President Emmanuel Leyco, na maramdaman ng mga estudyanteng inclusive space ang kanilang unibersidad.

Si Lars ay self-confessed trans woman na Ms. Q&A finalist ng It's Showtime noong 2018. Ngayong 2023 ay finalist siya ng Miss International Queen Philippines.

Naniniwala si Lars na ang hakbang ng PLM ay positibong pagtanggap sa kanilang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, at questioning (LGBTQ) community.

"I think it’s something that our rainbow community should celebrate, PLM allowing us to wear our uniform of choice.

"Just frankly speaking, a lot of potential from our community is being put to waste. Why? Coz we are being limited, we are being restricted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think now is the time schools should let us be who we are; and for sure, a lot in the community of LGBT will pursue their study and we could excel in any profession we would choose," pahayag niya.

Ayon kay Lars, isa sa rason kung bakit tinamad siyang pagbutihin ang pag-aaral niya nung high school ay dahil sa school uniform.

"As an experience nung nag-high school pa ako, one factor kung bakit di ako pumapasok minsan is because di ako kumportable sa kung anong uniform ang suot ko," balik-tanaw niya.

"I feel like hindi ko magawa kung ano ang gusto ko, hindi ko maipakita yung talento ko, yung galing ko, kasi nga nahihiya ako.

"Hindi kasi yun ang gusto kong makita ng tao na suot ko.

"Kung maibibigay lang yun—na di naman kabawasan sa karapatan ng iba—siguro mas towards tayo sa improvement and betterment."

ON ADVOCATING FOR EQUAL RIGHTS FOR LGBT

Isa sa nakikipaglaban sa pantay na karapatan ng LGBT community, ikinalungkot ni Lars na marami sa mga panukala para sana sa pantay na karapatan ng LGBTQ community ang di pinasa sa Kongreso at Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bilang isang LGBT na patuloy na nakikipaglaban para sa pantay na karapatan para sa amin, sana yung mga tao sa Kongreso, sa Senado, sana makita nila ang importansiya ng LGBT.

"Kasi aminin man natin o hindi, pag may present na isang LGBT, makulay ang mundo, di ba?

"Ibigay na lang din sa amin ang karapatan kasi yung karapatan na yun, hindi naman inaalisan ng karapatan yung iba."

Diin niya, "Equal right lang naman ang gusto namin as LGBT.

"I think lalo na ngayon kasi na walang batas na nagpoprotekta sa amin when it comes to equal access, sa medical health, wala kaming freedom kung anong gustong isuot ng mga kabataan ngayon.

"Though mayroon namang mga schools ngayon na sobrang open-minded."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON SAME-SEX UNION

Isa sa matagal na ring ipinaglalaban ng LGBTQ community ang same-sex union, na tila malabo pa sa ngayon maaprubahan para maging isang batas.

Pahayag ni Lars tungkol dito, "Katulad ng same-sex marriage, siguro dapat mabigyan na rin ng civil union na lang, at least.

"Ako, as businesswoman, as a business entrepreneur, kami ng boyfriend ko, dalawa kaming nagha-handle ng business.

"Siyempre kaming dalawa, mayroon kaming shares dalawa. Paano kung if ever man na masira yung relationship or may mangyaring masama?

"At least, mayroon kaming legal way kung paano namin paghahatian yung mga napundar namin together."

Nakakalungkot daw iyong mga kaso na hindi kinikilala ang partnership ng gay couple lalo na sa emergency cases.

Dagdag ni Lars, "To be honest, mayroong story na yung isang trans naaksidente siya tapos yung boyfriend niya di makapasok dahil di siya kinikilala as kamag-anak.

"Yun lang naman ang gusto namin kung bakit kailangan namin ng civil union."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trans woman Lars Pacheco on wearing a male uniform when she was in high school: "I feel like hindi ko magawa kung ano ang gusto ko, hindi ko maipakita yung talento ko, yung galing ko, kasi nga nahihiya ako. Di kasi yun ang gusto kong makita ng tao na suot ko. Kung maibibigay lang yun—na di naman kabawasan sa karapatan ng iba—siguro mas towards tayo sa improvement and betterment."
PHOTO/S: @kirkmasangcay / @pachecolars Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results