Excited na si Lars Pacheco sa Miss Queen International Philippines na gaganapin sa SMX Convention Center sa March 11, 2023.
Ang mananalo ay ilalaban sa Miss Queen International Universe 2023 sa Thailand.
Sumali si Lars nung 2022, pero hanggang semifinals lang siya nakapasok noon.
Ngayon ay natutunan na ni Lars na maging focused at di paapekto sa iba lalo na sa social media.
Kuwento ni Lars: "Yung mga preparations na ginawa ko same lang last year, pero ngayon mas nag-focus ako i-prepare yung mental health.
"Last year kasi sobrang na-pressure ako sa mga bashers, nabigyan ko sila ng time.
"Pero this time kasi, though nagbabasa pa rin ako, hindi ko na siya dinidibdib ngayon.
"Yun ang nakapag-distract sa akin last year. Ngayon na-adapt ko na siya, normal na lang na nandiyan lang sila."
Bukod sa hindi sinukuan ang kanyang pangarap, nagustuhan ni Lars ang napiling beneficiary ng Miss Queen International Philippines. Ito ay ang Golden Gays Manila, isang home care facility para sa elderly gays.
Nagsagawa ang pageant ng "breast augmentation for a cause" para makapagbigay ng tulong sa may 30 elderly gays na nasa home care facility.
"For every surgery for breast augmentation, yung proceeds ay mapupunta dun sa golden gays natin na mga matatandang bakla na inabandona, wala nang pamilya, wala nang nagke-cater sa kanila.
"Yun din ang part bakit gusto kong masuportahan yun. And by joining again, alam ko na makaka-add ako sa support..."
Malapit sa puso ni Lars ang pagtulong sa elderly gays.
Paliwanag niya: "Actually, I have a vlog, if I could still remember, 2020, sobrang tanong ko dun, ang hirap maging isang matandang bakla o ang hirap tumandang bakla.
"Lalo na kung wala kang magiging anak, yung pamilya mo, mga kapatid mo magkakaroon din ng sariling family.
"Ako, bilang may kakayanan pa ako na mag-work, tumulong, kahit anong kaya ko ibibigay ko yun," saad ni Lars.
Umaasa si Lars na mas maraming makapagbigay ng tulong sa elderly gays.
"Talagang naniniwala ako na ang buhay parang echo na kung ano ang gagawin mo, yun ang ibabalik sa iyo.
"By the time siguro na wala nang mag-alaga sa akin, mapunta na ako sa Golden Gays or kung saan ako dalhin ng kapalaran ko, I know na yung mga nagawa kong mabuti, this time ibabalik naman yun sa iyo.
"I hope lang na sana yung LGBT community din magkaroon sila ng pakialam sa mga matatandang mga bakla na at bigyan nila ng importansiya. Lahat tayo dun papunta, sa totoo lang."
- Miss Q&A runner-up Lars Pacheco undergoes sex reassignment surgery: "I am a woman."
- Lars Pacheco reveals cost of her sex reassignment surgery: "Ang mahal magpa-keps!"
- Trans woman Lars Pacheco speaks up about It's Showtime nip-slip incident
ON MISS UNIVERSE'S more inclusive criteria for candidates
Hiningan din ng reaksiyon si Lars sa desisyon ng bagong polisiya sa Miss Universe Organization na payagang sumali sa pageant ang mga babae, regardless kung may anak at asawa, at pati na ang trans women.
Ipinatupad ito ng bagong may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip.
Sabi ni Lars: "Yan yung maganda sa Miss Universe Organization kasi more diverse na tayo. Hindi na nili-limit yung karapatan ng isang babae para maging Miss Universe.
"Naniniwala talaga ako na hindi basehan kung mayroon ka nang asawa, o kung mayroon ka nang anak, lalo na kung gusto mong maging influential sa mga kababaihan na nanonood sa iyo or puwedeng ma-reach mo.
"It's an advantage kasi it's a sign na ang mundo ay talagang inclusive na. Everyone can be included na sa kahit na ano pang larangan, babae, lalake, or trans.
"Lahat tayo included na, yung inclusivity, yun ang pinakaimportante sa mundo ngayon. Kasi if everyone is included, mayroon tayong harmony and magkakaroon tayo ng world peace talaga."
ON PAST STINT IN IT'S SHOWTIME
Si Lars ay second runner-up sa Miss Q&A pageant ng It's Showtime noong 2018, kunsaan ang itinanghal na kampeon ay si Juliana Parizcova Segovia.
Hindi man siya nanalo sa pageant, aminado si Lars na malaking tulong ang naibigay sa kanya ng pagsali noon sa It's Showtime.
Sabi ni Lars, "Sobrang laki ng naitulong sa akin, sobrang laki ng pasasalamat at utang na loob ko sa ABS-CBN, lalo na sa It's Showtime.
"Sila ang nagbukas ng sobrang daming doors for me. After Miss Q&A, nagkaroon ng mga endorsements, ng work outside, hosting, events.
"Sobrang laki ng ambag ng ABS-CBN, ng Showtime sa buhay ko."
More hot stories on PEP.ph:
